"Gabby!" Nakangising sigaw ni Zeno sa pangalan ko nang makita niya kami ni Kaizer.Nakasalampak siya sa sahig na akala mo bata. Pulang pula pa ang mukha niya dala siguro ng kalasingan. Nakangiwi ko siyang nilapitan. Umupo na din ako sa sahig. Marahan kong niyugyog ang kanang balikat niya dahil bigla itong yumuko.
Mukhang matutulog na yata.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Allistair at Hercules na nakatayo sa gilid ko katabi si Kaizer.
Nang matanggap ko ang tawag ni Hercules na kasama daw nila Zeno at lasing nga ito. Agad kaming pumunta dito ni Kaizer sa apartment ni Hercules.
"Nag aya siyang mag inuman kanina lang. Tapos ng makarami ng inom. Yan, umiyak na. Naglabas na ng problema. Hindi naman namin alam kung saan ang bahay niya kaya naisip kong tawagan ka dahil alam kong kasama mo 'tong si Kaizer." Pagkukwento ni Hercules na sinulyapan si Kaizer.
"Dude, tumayo ka na dyan. Ihahatid ka na namin." Sabi ni Kaizer kay Zeno.
Pero nanatili lang nakayuko si Zeno.
"Inuman lang kasi. Walang iyakan." Komento ni Allistair.
Napailing ako at muling ibinaling ang tingin kay Zeno.
"Zeno, anong nangyari? Nag away ba kayo ni Gioffer?" Naisip kong tanong.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Ilang segundo lang ay bigla siyang umiyak na parang bata.
"Si Gioffer. Nakita ko siyang may kahalikang iba."
Dahil sa narinig ay napasulyap ako kay Allistair at Hercules. Parehas silang umiling sa akin.
"Wala kaming alam dyan." Sabi ni Allistair.
Ikinibit-balikat ko lang yun.
"Dalhin ninyo nga siya sa sofa." Utos ko dun sa tatlo.
Dali-dali namang inakay ni Allistair at Hercules si Zeno paupo sa sofa kaya tumayo na ako. Nilapitan ko ito at tinabihan. Si Allistair at Hercules naman ay umupo sa kabilang sofa na nasa tapat namin. Habang si Kaizer ay nanatiling nakatayo.
"Anong sabi ni Gioffer nang makita mo siya?" Usisa ko.
Umiling si Zeno.
"Hindi niya na daw ako mahal. Break na daw kami. Uto-uto daw ako." Sagot nito.
Napansin kong walang patid ang pagpatak ng mga luha niya. Halos basa na nga ang suot niyang T-shirt.
"Yan na nga ba sinasabi ko." Rinig kong sabi ni Kaizer.
"Nagmaka-awa ako sa kanya na kahit hindi niya na ako mahal basta wag niya lang akong hiwalayan. Tatanggapin ko. Pero ayaw niya na. Ayaw niya na sa akin..." Pagpapatuloy ni Zeno.
Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Dapat ba akong maawa o dapat ba akong matawa dahil ang cheater na tulad niya ay kinakarma na.
"Kahit kailan huwag kang magmakaawa para lang mahalin ka." Komento ni Hercules.
"Kasalanan din mo naman kasi." Sabat ni Allistair.
Mas lalo tuloy naiyak si Zeno dahil sa mga narinig. Pinupunasan niya ang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Alam kong kasalanan ko kaya nga tanggap ko kahit may iba na siya basta huwag niya lang akong iwan." Sabi nito na hindi yata mapapagod umiyak.
Nakangiwi kong tinapik tapik ang kanang balikat niya.
"Tahan na. Kahit umiyak ka pa dyan. Kung ayaw na ni Gioffer. Huwag mo na siyang pilitin."
Napailing iling naman siya.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...