"Ang haba ng hair mo." Komento ni Billie.
Sinimangutan ko siya at muling itinuon ang tingin sa stage kung saan tumutugtog pa din yung banda. Base sa narinig kong tsismisan nitong mga nasa likuran namin. Ang pangalan ng banda ay Black Saint. At yung bokalista nila ay si Ollie na kaklase mga daw nila Kaizer. May itsura ang isang ito kaya hindi ako magtataka kung na siya ang bagong crush ni Maxine.
Tahimik nitong dinadama ang kinakanta ni Ollie. Siya nga ang nagpatahimik kay Hercules at Allistair kanina lang dahil nagsisimulang magbangayan. Hanggang sa yayain ang mga ito ni Gioffer na umalis dahil may urgent meeting daw sila sa basketball team. Kaya yun, umalis yung tatlo.
"Sabi ko na nga ba, may paghanga sayo si Alli. Halata, 'eh." Si Maxine na nanatili sa banda ang tingin.
Nakangiwing napailing ako.
"Tingin ninyo nagsasabi siya ng totoo? Nag jo-joke lang yon."
Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact sa inamin nito kanina. Kung totoo ba yun o hindi.
Malamang, di yun totoo.
"Paano kung totoo yun?" Tanong ni Billie na nasa kanang gilid ko. Pinagigitnaan nila ako ni Maxine.
"Paano kung hindi?" Balik kong tanong.
Ngumisi si Billie sabay akbay sa akin.
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Pero hindi naman imposible na humanga siya sayo. Cute mo kaya."
Kinurot pa nito ang kanang pisngi ko. Nakangusong inalis ko ang braso niya sa balikat ko.
"Hindi ba yun weird? Pareho kaming lalaki? Tapos magkaka-crush siya sa akin?"
Nakita kong napatingin si Billie kay Maxine na busy sa panunuod kay Ollie. Ewan ko nalang kung narinig niya ang tanong ko.
"Hindi yun weird, Gabby. Walang pinipiling kasarian ang pagkakaroon ng espesyal na pagtingin sa isang tao. Lahat pwedeng magka-crush sa lalaki, babae, bakla o kahit pa sa tomboy yan. " Seryosong paliwanag ni Billie.
Sumagi sa isip ko yung usapan namin ni Mclaren noong isang gabi. Tulad niya ay ipinaiintindi sa aking mabuti ni Billie na walang masama kung ang tulad ni Allistair na lalaki ay magka-crush sa akin.
Parang same sa sitwasyon ko kay Kaizer.
Walang masama kung magkaroon ako ng atraksyon sa demuho na yun.
Kaya lang...tingin ko nga hindi nalang to basta simpleng atraksyon.
"Kung ganun, hindi ka ba nagulat sa inamin ni Allistair?" Naisip kong itanong.
Umiling si Billie.
"Hindi naman. Sinabi ko na diba? Cute ka kaya malamang kahit anong gender magkaka-crush sayo. Saka, marami ng straight ang nababaliko ngayon." Paliwanag niya habang nakatitig pa din kay Maxine.
Napansin kong tila nagningning ang mga mata niya.
"Tulad mo?" Nakangisi kong tanong.
Namilog ang mga mata niyang ibinaling ang tingin sa akin.
"Anong tulad ko?"
Imbes na sumagot ay umiling lang ako. Sakto namang tumingin na sa amin si Maxine. Mukhang sa wakas ay natapos din tumugtog ang banda.
"Magsisimula na ang closing speech ni Madam." Sabi nito.
Tumango lang ako at itinuon na ang tingin sa stage. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa principal ng Castelli Academy. Kahit hindi ako interesado sa sasabihin niya ay no choice ako. Kailangan kong manatili dito sa kinatatayuan ko. Announcement lang naman ng nanalo ang hinihintay ko. Pagtapos nun ay pwede na kaming umuwi.
BINABASA MO ANG
Expedallion Crusader : BUGATTI (Completed)
Teen Fiction"Low class member." Iyan ang bansag kay Bugatti dahil sa madalas niyang poor performance sa pangangarera sa Death Race. Bukod dun, kilala din siya dahil sa average niyang itsura at sa pagiging tahimik dahilan para bumaba ng husto ang self confidence...