Prologue

3.4K 68 5
                                    

Prologue.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha habang nakatanaw sa nagtataasang mga gusali sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Ni minsan hindi ko inakalang makakapunta ako dito sa Maynila na ako lang mag-isa. Buong buhay ko kasi naisip ko na sa probinsiya na ako magta-trabaho, mag-aasawa at bubuo ng pamilya.

Pero eto ako ngayon bibit ang isang bag na naglalaman ng mga damit habang pinanghahawakan ang pangarap.

Dito ako makikipagsapalaran.

Alam kong mahihirapan ako sa una pero hindi sapat iyon para sumuko ako. May mga umaasa sakin kaya pinapaalalahanan ko ang sarili ko na maging matatag at huwag agad sumuko.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ba ako pupunta ngayon. Naglakas loob lang talaga ako na pumunta dito kahit ni isa ay wala akong kakilala.

Isang diyaryo lang ang dala ko. At ilang paalala sakin ni Mama. Ni hindi ko alam kung nasaan ako sa Maynila, o kung ano ang dapat kong sakyan, at magkano ang bawat pamasahe sa isang sakay.

Kahapon ako umalis mula sa probinsiya namin at ngayong umaga ako nakarating dito lulan ng barko, wala kasi akong pamasaheng pang eroplano, kaya tiniis ko ang isang araw na nasa tubigan.

"Miss tumabi ka nga sa daan!"

Napapitlang ako nang may magsalita mula sa likuran ko.

"Sorry, Ma'am!" Hingi ko ng pasensiya saka nahihiyang tumabi.

Pinagtitinginan na pala ako ng ilan habang abala ako sa pagsipat sa malaking building na nasa harap ko.

Nakagat ko ang aking labi saka muling sinulyapan ang mataas at malawak na gusali.

"Paano kaya makapag-trabaho sa ganyang kalaking kumpanya?" Mahina kong tanong.

Sa huli ay nagkibit balikat nalang ako.

Imposibleng makapasok ako doon, bukod sa probinsiyana ako't walang gaanong alam hindi rin ako tapos ng kolehiyo. High school lang ang natapos ko.

Gustuhin ko man kasi na mag college, hindi pwede. Hindi dahil sa walang pera, kung hindi dahil walang gustong tumangap sa akin sa tuwing nakikita nila ang pangalan ko.

Ewan ko ba kung anong mali. Pero hinayaan ko nalang, ayaw ko na din kasing tanungin si Mama dahil sa tuwing kinakausap ko siya tungkol doon ay nasasaktan siya.

At inisip ko nalang ding maging praktikal. Kaya nuong nag eighteen ako ay kaagad akong nagtrabaho para makatulong.

Mahirap maging mahirap. Gabi palang ay iisipin mo na kung saan ka kukuha ng pera para bukas. Iniisip mo na kung paano ka makakabayad ng ilaw at tubig. Pinoproblema mo na kung saan kukuha ng perang pangpa-ospital at pambili ng gamot para sa nanay mong may sakit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang sa mahinto ako sa isang waiting shed. Tinungtong ko ang kaliwa kong paa sa batong upuan at sinampa doon ang aking itim na bag.

Binuksan ko iyon saka kinuha ang puting envelope na naglalaman ng resume ko at ilang mahahalagang papeles na kailangan sa pag a-apply.

Ang balak ko ay mag-apply sa mga fast food restaurants o kaya naman maging call center agent, pwede rin namang maging promodizer kahit ano basta magkaroon lang ng maayos na trabaho.

Sa lalong madaling panahon kasi ay kailangan kong kumita ng pera kung hindi magugutom ako dito at baka ma late pa ang pambili ng gamot ni Mama, ayaw ko namang umiyak na naman ang bunso kong kapatid dahil sa pag-aalala sa nanay namin.

At ngayong araw na ako magsisimulang maghanap ng trabaho.

Isang lumang puting blouse at maitim na skirt ang suot ko at black na sandals.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon