Chapter 30

1.7K 36 2
                                    

Chapter 30.

Nasa nanginginig kong mga kamay nakatuon ang aking mga mata. Kadarating lang ni Yron at naabutan niyang sinisigawan ako ni Ma'am Hurt kanina.

Hindi ko naman sinasadya ang nangyari, gusto ko lang naman na bitawan ako ni Ma'am Suzie dahil nasasaktan ako sa hawak niya.

Ilang beses akong naki-usap na bitawan niya ako pero hindi niya ako pinagbigyan kaya wala na akong nagawa kung hindi nalang pwersahin ang paghila sa braso ko.

"She hurt Suzie! Your father and I saw what happened, ano? Ipagtatangol mo na naman, Yron?"

Sumagot si Yron gamit ang ibang lenguwahe kaya hindi ko naintindihan ang sinabi niya kay Ma'am Hurt.

"Nasa loob ang kulo ng babaeng 'yan---"

"Hindi kayang manakit ni Phaedra. I'm sure, she did something kung bakit siya nasaktan." Kay Ma'am Suzie niya patumbok 'yon.

Napapikit ako habang naririnig ang galit na lintanya ni Ma'am Hurt. Tinatangap ko nalang lahat nang sa ganon ay matapos na. Titiisin ko nalang tutal kahit anong eksplenasiyon ko ay ako parin ang mali.

Si Ma'am Suzie ang nakita nilang bumagsak kaya malamang ako ang nagmukhang umatake. Alam naman ng panginoon ang tunay na nangyari, malinis ang konsensiya ko.

Naki-usap ako sakanya ng maayos, hindi ko naman hangad na masaktan siya dahil ayaw ko ng away.

Linapitan ako ni Yron saka inalalayang tumayo, walang sabing sumama ako paakyat sakanya sa ikalawang palapag ng penthouse habang nasa ibaba parin ang mga magulang niya.

Hindi ko kayang manatili pa doon habang naririnig ang opinion at galit nila sakin, alam ko naman na ayaw nila ako kaya mas mabuti na ang ganitong inalis ako ni Yron doon.

"I'll just talk to them then I'll come here after." Napapikit ako nang halikan niya ang aking sentido. "I know that you didn't hurt Suzie."

Binigyan ako ng mahigpit na yakap ni Yron bago siya lumabas ng kwarto namin. Naiwan akong tulala habang hawak ang sanitary pads na binili niya.

Kung alam ko lang na ganon ang mangyayari sana ay hindi nalang ako nagpadala sa takot, sana ay hindi ko binuksan ang pinto't naghintay nalang sa pagdating ni Yron.

Ano ba naman kasing laban ko sakanila? Sa mga mata nila masama akong tao dahil Juares ako. Nagawan namin sila ng masama, kahit wala akong kasalanan dahil kapamilya ko parin ang may gawa damay ako.

Iniisip ko na grabe pala talagang magalit ang mga Guillieaes, akala ko ay sa mga palabas lang nararanasan ang ganitong bagay pati pala sa totoong buhay ay mararanasan ko.

Hindi ko naman sila masisisi kung masama ang tingin nila sakin, ilang taon silang kinain ng galit nila. Iniisip ko din kasi kung paano kung ako ang nasa posisyon nila Ma'am Hurt ano ang gagawin ko? Siguro ay mahihirapan din akong magpatawad.

Madali akong magpatawad sa totoo lang... pero iba naman kasi ang sitwasiyon ng galit nila samin. Kung apektado ang buhay ng magulang o pamilya ko siguro nga ay hahangarin ko na lumayo nalang sakanila.

Alam kong pinoprotektahan ni Ma'am Hurt at Sir Yvans si Yron pero malinis talaga ang konsensiya ko. Mahal ko ang anak nila. Mabait naman ang pamilya ko, hindi namin sila kayang saktan o gawan ng masama.

Kabutihan, mahirap maging mabuti at mabait, walang perpektong tao. Kahit ang pinakamabait na tao sa mundo ay nakakaramdam ng galit at puot. Ayaw kong magpaka peke dahil maging ako naman ay nagtatampo sa mga Guillieaes... nasasaktan din naman ako sa ginagawa nila kahit alam ko ang rason nila. Iyon nga lang may paninindigan ako, paninindigan na hindi ko iiwan si Yron hangang sa alam kong hindi naman ako nakakasakit ng iba.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon