Chapter 24.
"M-ma'am?"
"Anong kakapalan ang meron kayo para lumapit pa sa pamilya ko?!"
Sunod-sunod ang naging pagkurap nang mga mata ko habang iniintindi ang nangyayari ngayon.
Wala akong ginawang masama, nababatid ko na wala talaga.
"You shameless, criminals!"
Mas napa-atras ako sa takot. Parang ano mang oras ay kaya akong saktan ni Ma'am Hurt. Wala ng kabaitan sa mukha ng ginang, napalitan yun ng galit at pagkamunhi.
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi noon ni Ma'am Suzie nang makasalubong namin siya sa grocery. Hindi sinagot ni Yron ang tanong ko noon, pero mukhang isa 'yon sa dahilan kung bakit galit si Ma'am Hurt sakin.
Ngayong taon ko lang sila nakilala, lumaki ako sa probinsiya at batid kong wala kaming nagawang masama sakanila.
"What do you want to my son?" Galit na tanong sakin ni Ma'am Hurt saka muling humakbang pa sulong. "Did someone asked you to come to our life and hurt my family again?!"
Napa-iling ako. Wala akong balak saktan si Yron o isa man sa mga Guillieaes, hindi ko kayang manakit ng ibang tao dahil hindi naman kami pinalaking ganon ni Mama.
Kahit matapang ang Mama ko kailanman ay hindi niya kami tinuruan ng masama o gumawa ng ikakasakit ng iba.
"M-Ma'am wala po akong alam sa tinutukoy niyo---"
"Sinungaling ka! Sa dami ng pwedeng pagtrabauhan masasabi mong hindi mo sindaya kung dito ka pa pumasok sa kumpanya ng anak ko? Ang kapal ng mukha niyo!"
Pansin ko ang pag dami ng tao, may nagbubulung-bulungan na habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung paano aalis nang hindi nababastusan sakin si Ma'am Hurt.
Alam ng lahat na boyfriend ko na si Yron kaya naman nakakahiyang malaman nila na hindi pala ako tanggap ng pamilya niya.
Linunok ko ang takot at sinubukang magsalita.
"P-pasensiya na po kung may nagawa akong kasalanan na ikinagagalit niyo ngayon pero siguro naman po ay pwede nating mapag-usapan muna po ng maayos, Ma'am---"
Nahinto ako nang bumagsak sa aking pisngi ang mabigat na palad ni Ma'am. Dinig ko ang pagsinghap ng iba samantalang ako naman ay hindi kaagad naka galaw.
Ramdam ko ang pag-init ng balat sa aking mukha, wala sa sarili ko 'yong nahawakan bago tignan si Ma'am Hurt na puno parin ng galit.
"Layuan mo ang anak ko." Mariin niyang utos. "Lumayo ka sa pamilya namin bago pa kita magawan ng masama bukod diyan."
Linunok ko ang bukol na tila humaharang sa aking lalamunan.
Nasasaktan ako habang iniisip na kaya akong saktan ng ibang tao samantalang ang sarili kong ina kailanman ay hindi ako nagawang pagbuhatan ng kamay.
Rinerespeto ko si Ma'am Hurt hindi lang dahil sa Mama siya ni Yron pero dahil alam kong mabuti siyang tao, naging mabait siya sakin. Hindi ko lang maintindihan bakit niya ginagawa sakin ang bagay na ito.
Narinig ko na mas umingay pa ang paligid, ilang segundo lang ay naharang ng isang malapad na likod ang katawan ni Ma'am Hurt.
May kung anong bumalot na init sa puso ko nang makitang si Yron 'yon. Alam kong siya lang ang kayang lumigtas sakin sa sitwasiyon na 'to. Siya lang ang kayang ilayo ako sa kahihiyan at sakit.
"What are you doing, Mama?" Mariing tanong niya.
Ramdam ko ang paghawak niya sakin saka mas itinago ako sa likuran niya, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang paparating na si Ma'am Suzie na mukhang papalapit kay Ma'am Hurt.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomantiekMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...