Chapter 12.
Wala ako sa sarili nang umalis sa opisina ni Ma'am Suzie, hindi ako makapaniwala sa nalaman mula sakanya.
Ikakasal sila ni Yron sa oras na mag twenty-five siya? Kung totoo nga 'yon ay may karapatan nga siyang magalit sakin ngayon. Oo at hindi kami magka-relasiyon ni Yron, pero sa mga nangyari sa pagitan namin sa mga nakalipas na araw ay nagmukha na akong third party o kabit doon palang.
Ramdam ko ang pagsidhi ng sakit na bumalot sa aking puso habang iniisip na nakasakit ako ng kapwa ko babae, na pati ako ay nadamay sa pagiging palengkero ni Yron. Hindi ko matangap na nabilog ako sa maikling panahon na pagkakakilala namin.
Tinanong ko siya nang maayos kung pinaglalaruan niya ba ako, sana ay umamin siya na fiancee niya pala si Ma'am Suzie, sana ay nagpaka totoo nalang siya.
Alam niyang bago ako sa ganito, hindi ako handa pero sinubukan ko paring buksan ang pinto para ligawan niya 'ko, hindi ko matanggap na ngayon palang ay naloko na ako ni Yron.
Halos maiyak ako habang nakasakay sa jeep. Hindi ko siya kayang maka-usap, nasasaktan ako sa mga nalamang panloloko niya sakin.
Tama lang talaga ang una kong plano na huwag siyang bigyan ng pagkakataon na manligaw sakin. Mas ayos na 'yon, hindi ako masasaktan dahil ngayon palang ay pinuputol ko na ang pagkakataon niya na pumasok sa puso ko.
Dapat inisip ko rin na magka-iba kami, mayaman siya habang ako naman ay mahirap lang. Doon palang talo na ako.
Kung gusto kong magka boyfriend marami naman diyan, iyong magiging tapat sakin at mamahalin ako ng lubos. Isa pa, wala pa naman talaga sa isip ko ang pakikipag relasiyon sadyang nagulo lang ang isipan ko nang sabihin ni Yron na liligawan niya ako.
Mas mabuting bumalik nalang ako sa dati, iyong panahon na hindi ko iniisip ang pagno-nobyo. Kailangan kong mag focus nalang siguro sa trabaho.
Masama ang loob ko hangang sa makarating sa penthouse ni Yron.
Tahimik akong nag lilinis nung dumating siya, alam kong kaagad niya akong tatanungin kung bakit hindi na naman ako sumabay sakanya pauwi pero wala muna sana akong balak kausapin siya.
Wala sa isip ko ang takot na baka tanggalin niya ako sa oras na mabastusan siya sa pambabaliwala ko, masyado akong nasaktan.
"Bakit ka na naman nag commute?"
Malamig ko siyang sinulyapan. Mukhang nagulat si Yron sa pinakita kong emosiyon pero wala talaga akong balak kausapin siya.
Linagtawan ko siya saka dumaretso sa kusina para magluto ng hapunan. Wala akong ganang kumain kaya pang isang tao lang ang lulutuin ko.
"What's wrong?"
Sinundan niya parin pala ako.
Linabas ko ang baka sa freezer, gagawa ako ng steak na madalas niyang lutuin. Natutunan ko na ang tamang pagluluto nito dahil palagi ko siyang pinapanuod kung paano ang tamang pagluluto ng steak.
"Phaedra." Hinawakan niya ang pulsuhan ko.
Marahas kong hinila pabalik 'yon saka na nagpatuloy sa ginagawa nang hindi siya tinitignan.
"We were fine when we parted ways this lunch, what happened? Did I do something wrong?"
Wala sa sariling napangisi ako ng pagak. Nag ma maang-maangan pa siya, alam niya dapat kung bakit ako nagkakaganito.
Hindi man lang siya naawa na nasaktan si Ma'am Suzie, nagawa niya parin akong harut-harutin kahit may nagmamay-ari na pala sakanyang iba.
"Sabihin mo ang problema natin nang sa ganon ay mapag-usapan natin."
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...