Chapter 42

2.4K 49 8
                                    

Chapter 42.

Madilim na, tumila na din ang ulan pero nandoon parin sa gilid ng kalsada ang sasakyan ni Yron, kahit sinabi niyang aalis na siya't maghahanap ng babaeng maikakama niya't kakalimutan na ako nandoon parin siya.

Kanina ko pa palihim na pinagmamasdan 'yon. Hindi parin siya umaalis. Mag a-alas dose na. Basang-basa siya kanina at alam kong wala siyang dala extra'ng damit para magpalit.

Bumuntong hininga ako saka lumabas ng kwarto at kaagad kinatok ang silid ni Zia. Ilang segundo lang ay bumukas 'yon.

"Bakit, Ate?"

"P-pwede mo bang puntahan ang Kuya Yron mo? N-nasa labas pa kasi siya, hindi parin siya umuuwi. Tignan mo kung tulog ba..."

Walang salitang tumango siya at linagtawan ako, kaagad akong dumaretso sa may kusina para magpa-init ng tubig. Dalawang minuto lamang ang lumipas ay bumalik na si Zia.

"Gising pa po." Malamig ang boses ni Zia.

"U-uh, sandali lang." Medyo nataranta ako sa pagtitimpla ng kape. "Kukuha lang din ako ng tuwalya niya."

Pinatong ko sa platito ang tasa bago lumabas sa kusina at pumasok sa kwarto ko para kuhanin ang aking tuwalya. Wala na akong ibang tuwalya dito sa apartment dahil nagamit na ni Jude kanina ang isa habang ang isa naman ay kay Zia.

Bumalik ako sa kusina pagkatapos.

"Ibigay mo 'to sakanya. A-at, Zia, huwag mong sasabihin na ako ang may gawa nito. Kunwari... ikaw."

Hindi siya sumagot at tahimik na kinuha ang tuwalya at binitbit ang kape. Kaagad akong dumaretso sa kwarto ko pagkatapos at sinilip ang labas.

Bumukas ang sasakyan at kita ko ang pag-abot ni Zia sa mga pinabigay ko, akala ko ay babalik kaagad ang kapatid ko pero nakita kong nag-uusap pa sila Yron. Kaagad kong nabalik sa ayos ang kurtina nang magawi ang tingin sakin ni Zia.

Siguro naman ay hindi niya sinabi na ako ang nagpapabigay ng mga 'yon.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik na siya pero wala akong lakas na magtanong pa kung anong sabi ni Yron.

Malalim akong bumuntong hininga saka na dumaretso sa kama. Pinilit kong makatulog dahil may trabaho pa ako ng maaga bukas at bawal na bawal akong lumiban dahil ilang buwan din akong nawala.

Pagkagising ko kinabukasan ay sinulyapan ko na ang labas ng apartment at... nandoon parin si Yron, hindi talaga siya umalis.

Lumabas ako ng kwarto, nagluto ng almusal at naligo. Nang ayos na ako ay saktong lumabas si Zia, tahimik parin siya habang kumakain kami.

Pakiramdam ko tuloy ay galit talaga siya sakin kaya hindi na ako naglakas ng loob na kausapin siya ngayong umaga, mamaya nalang, ibibili ko siya ng libro o kaya naman ng paborito niyang pagkain.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag pagkalabas nang makitang kaagad ding bumaba si Yron mula sakanyang sasakyan, suot niya parin ang kagabi niyang damit iyon nga lang tuyo na ito ngayon.

Daretso ang lakad niya papunta sakin habang ako naman ay hindi makatingin sakanya. Halos malagutan ako ng hininga nang maabutan niya ako.

Hinigit ni Yron ang aking braso saka pinaharap sakanya.

"Baby, I don't mean what I said last night. I was just mad."

Hindi tulad kagabi marahan at puno ng pagsusumamo ang boses niya ngayon.

Tahimik kong inalis ang kamay niya saka siya linagtawan. Damang-dama ko ang sakit sa bawat paghakbang ng aking mga paa palayo sakanya.

Binuhos ko ang atensiyon ko sa pagta-trabaho pagkadating sa hotel, hindi ko muna kinausap si Gail dahil masyadong magulo ang aking utak.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon