Chapter 21

1.7K 40 5
                                    

Chapter 21.

Nakanguso ako habang nakaharap sa isang mamahaling paper bag na nasa may kama. Ang sabi ko ay ako ang bibili pero naka gawa na naman ng paraan si Yron para siya ang gumastos para sakin.

"Bakit may ganito agad?"

"Baby, that was from Hailey." Ngumuso siya. "She was the one who bought that dress for you. Ni hindi ko pa nga nakikita ang laman niyan."

Inaya ko siya kaninang maghanap ng maisusuot para sa birthday party ng pinsan niyang si Reek, pero kaya pala panay ang 'mamaya' niya ay may nakahanda na para sa akin.

"I just hope it looks decent..." Dinig kong bulong niya.

Binalingan ko siya, matagal kaming nagkatitigan bago ako ang huling sumuko.

Alam kong may kinalaman siya dito. Mukhang inutusan niya pa si Hailey para lang sa damit na 'to. Unti-unti kong binuksan ang paper bag habang nasa gilid si Yron, nakahalukipkip.

Nang tuluyan ko nang makita ang dress ay kaagad na namula ang pisngi ko, malutong na nagmura si Yron saka inagaw ang damit sa kamay ko.

"No! You won't wear this dress!"

Masyado maikli at madaming balat ang makikita panigurado sa oras na isuot ko 'iyon. Kulay itim, backless at mababa ang hiwa sa bandang dibdib. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang isuot 'yon.

"We'll buy another dress." Iritableng saad ni Yron sabay tingin ng masama sa damit.

Gusto ko sanang gawin ang gusto niya kaso wala na kaming oras para sa bagay na 'yon, gabi na din at mukhang sarado na ang mga bilihan ng mga damit.

"Akin na." Kinuha ko sa kamay niya ang bistida.

"Don't tell me that you'll fucking wear that goddamn dress, Phaedra?!"

"W-wala akong choice. Talagang ma la-late tayo kapag hahanap pa ng iba."

Alam kong hindi papayag si Yron kapag nagtagal pa ako sa harap niya kaya dumaretso na ako sa banyo dito sakanyang silid saka sinuot ang dress.

Tama nga ang hinala ko, maikli at masikip. Hapit na hapit ang hubog ng aking katawa, nadepina ang bilugin kong dibdib maging ang maumbok kong puwetan.

Nakabuhaghag ang mahaba kong buhok kaya mukhang nang-aakit ako. Sunod-sunod akong napalunok habang iniisip ang magiging reaksiyon no Yron.

Nang lumabas ako ay dinig ko ang sunod-sunod na mura ng boyfriend ko. Wala na naman akong dapat itago dahil nakita na naman na niya pero kakaiba parin ang kahihiyan. Napaka lantad naman kasing tignan pero ganunpaman hindi naman malaswang tignan sakin.

Mabibigat nag paghinga ni Yron habang hawak ang siko ko. Sinisipat niya ang damit. Salubong ang kanyang kilay at walang kabaitan sa mukha niya. Para siyang manununtok ng wala sa oras.

"M-magbihis ka na din."

Linagtawan ko siya saka sinuot na din ang itim na heels. Ramdam ko pa ang bigat ng titig niya habang pinagpa-practisan ko ang sapin sa paa.

Nang makapasok na si Yron sa banyo ay bumaba na ako sa unang palapag. Dinig ang maingay na tunog ng doorbell kaya agad kong binuksan ang pinto at nabungaran si Hailey.

"I knew it! Bagay sayo, Ate!" Agad niyang saad.

"Magandang gabi." Nahihiya kong bati.

Malaki ang ngiti ni Hailey habang sinisipat ako.

"You look so gorgeous! Oh my! I'm so proud!"

Masyadong masaya si Hailey kaya hindi ko na din siya napigilan nang pwersahan niya akong pinaupo sa sofa. Nakatingala ako habang inaayos niya ang aking mukha.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon