Chapter 9

1.6K 45 2
                                    

Chapter 9.

"Should I put more?" Marahang tanong sakin ni Yron.

Nasa opisina niya kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng tanghalian, kanina pa siya ganito.

"Yron, ako na ang kukuha, kaya ko na."

Umiling siya saka makulit na linagyan ang plato ko ng ulam. Nahihiya kong sinulyapan ang dalawa niyang sekretarya na nakatingin sa amin ngayon dahil maging sila ay pinakain ni Yron sa loob ng opisina niya.

"What do you prefer, water or juice?"

Kagat labi kong nginuso ang tubig, tumango si Yron saka kaagad linagyan ng tubig ang baso ko.

Nagsimula na akong kumain akala ko ay ganon din ang gagawin niya pero nakatingin lang siya sakin at pinapanuod ako.

"Yron, kumain ka na sige ka lalamig yang pagkain mo."

Alam kong namumula ang pisngi ko sa kahihiyan. Simula kaninang umaga ay ganito na siya kaya hindi ko maintindihan ang nangyayari sakanya.

"You're so beautiful, Phaedra." Sambit niya na dinig na dinig ko.

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya! Para akong papakulong takuri dahil konti nalang mapapasigaw na ako sa kahihiyan na nararamdaman.

Alanganin kong sinulyapan ang dalawa naming kasama na nakayuko na at kunwari walang narinig at nakita.

"Y-Yron may sakit ka ba ngayon?" Lito kong tanong.

Mahina siyang natawa kaya gulat ulit akong napatingin sa mga sekretarya niyang nakasulyap na din sa boss namin. Mukhang maging sila ay hindi makapaniwala na tumawa pala si Yron.

"I'm perfectly fine. I just love watching you, you look so cute."

Kinagat ko ang labi ko at mabilis na sumubo, dinamihan ko na ang laman ng kutsara para kaagad akong matapos at maka-alis na.

Hindi ako halos makahinga ng maayos dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos manginig din ang kamay ko sa kaba at diskumportable.

"Yron, aalis na ako. Madami pa akong gagawin. Salamat sa pagkain."

Nagmamadali akong lumabas sa opisina niya nang matapos, hindi ko na siya tinignan dahil alam kong nakangiti siya!

Pulang-pula ako kahit nasa headquarter na ako. Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon sa nararamdaman kong pagkailang kina Jude at sa lalaking nagbigay sakin ng chocolates.

Hangang sa abala na ako ay hindi parin nawaglit sa isipan ko na sinabihan niya akong maganda. Iyon ang kauna-unahang beses niyang sinabi sakin 'yon.

Sanay na naman akong purihin non sa pisikal kong itsura pero iba ang apekto ni Yron. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero halos sumabog ako kaninang kumakain kami.

Hindi ko tuloy alam kung sasabay pa ba ako sakanya o mag co-commute nalang ngayong uwian na. Naka-alis na ang lahat at ako nalang ang naiwan.

Pero sa huli nagdesisyon ako na dumaretso sa parking area at pumasok sa sasakyan ni Yron na mag-isang nakaparada sa gilid.

Pagkapasok ko ay sa akin kaagad siya nakatingin. Nginitian niya ako kaya halos matigalan ako. Kumurap-kurap ako para ikalma ang aking sarili, kusa ko na ding kinabit ang seatbelt ko nang sa ganon ay maiwasan ko ang tingin niya.

"How's your day?" Tanong niya saka nagmaneho na.

Nakita ko ang malaking bugkos ng mga bulaklak na nakapatong sa dashboard ng sasakyan ni Yron.

Matinding pangingilabot at gulat ang naramdaman ko habang nakatingin doon.

"Phaedra?"

"A-ayos naman." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa pagkaka-utal.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon