Chapter 4.
Pansin ko ang pag-iwas sakin ni Yron kahit kami lang dalawa sa penthouse niya sa mga lumipas na araw. Sa tuwing kinakausap ko kasi siya ay pagtango lang ang sagot niya tapos ay aalis na kung nasaan ako.
Kung sakin naman ay wala namang problema 'yon. Pero kung minsan ay napapa-isip ako na baka may nagawa akong hindi niya gusto.
Sa mga araw na 'yon ay pinagseserbisyuhan ko siya ng maayos. Kapag kakain ay hindi man lang siya magsasalita kahit panay kwento ako sa harap ng lamesa.
Kaya minsan kinakausap ko nalang ang mga figurines na naka display sa sala. Kahit kasi sa trabaho ay madalang akong may kausap, si Jude lang ang madalas kong kasama, hindi na rin dumadalaw sa kumpanya si Vlair.
Kapag kakausapin naman kasi ako ng ilang empleyado sa kumpanya ay hinihinga lang nila ang number ko at tinatanong ang pangalan ko. Hindi ako kumportable sa ganon.
Ngayon, sabay kaming nakasakay ni Yron sa elevator. Alam ko na ang byahe papunta sa kumpanya lulan ng jeep. Kahit hindi niya naman kasi sabihin sakin, alam kong siya ang nagbabayad ng grab na sinasakyan ko sa loob ng tatlong araw.
"My parents will visit my pad after work. Make sure to lock yourself inside your room. Ayaw kong may pagala-gala. Naiintindihan mo?"
Napatingin ako sakanya nang bigla siyang magsalita at kaagad na tumango.
Inisip ko ng dahilan niya. Pangit nga namang makitang may kasama siyang isang babae sa lugar niya. Kahit sabihing kasambahay lang ako baka magduda parin ang parents niya.
Kotse ang sinakyan ni Yron habang naglakad pa ako papunta sa may sakayan ng jeep. Buti at malapit nang mapuno nang sumakay ako kaya maaga din akong nakarating sa kumpanya.
Pagkadating na pagkadating ko sa headquarter namin ay inutusan na ako kaagad ni Madan Mela na umakyat sa palapag kung nasaan ang office ni Yron para maglinis.
Papasara na ang pinto ng elevator nang biglang may pumasok na sopistikadang ginang, puting bestida ang suot niya habang may bitbit na mamahaling bag.
Nahihiya ko siyang nginitian nang magtama ang paningin namin.
"Good morning po, ma'am. Anong floor po kayo? Ako na po ang pipindot."
Bahagya niya din akong sinuklian ng ngiti at sinabi kung saan ang tungo niya.
"Sakto po at doon din po ako naka tokang maglinis." Masaya kong sagot.
Bahagya kong linayo sakanya ang cart kahit maluwang naman ang elevator. Nakakatakot baka madumihan siya.
"May meeting po ba kayo kasama si Sir Yron? Hindi po ba masyado maaga?" Nandoon na naman ang natural na pagiging madaldal ko.
Mahina siyang natawa saka umiling.
"Oh, no. I'm his mother."
Nanlaki ang aking mga mata saka umawang ang aking mga labi sa gulat. Hindi ko alam na siya pala ang Mama si Yron! Nakakahiya ang pagiging feeling close ko.
Mas nanliit tuloy ako. Napakaganda niya, nakaka intimidate siya pero kahit papaano ay nabawasan ang takot ko kaninang ngitian niya ako.
Tumikhim ako saka tumayo ng tuwid, nakaramdam ako ng kaba.
"Bago ka dito, miss?" Tanong ni Ma'am.
"O-opo." Bigla akong tinubuan ng hiya sa katawan.
"Kaya pala hindi mo ako kilala. By the way, I'm Hurt Guillieaes."
"Phaedra naman po ang pangalan ko, Ma'am Hurt. Pasensiya na po kung feeling close ako, hindi ko po talaga alam na Mama po kayo ni Sir Yron." Natampal ko ang aking labi. "Pasensiya na din po kung napaka-daldal ko, ma'am!" Medyo nataranta na ako.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomansMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...