Chapter 7

1.6K 45 6
                                    

Chapter 7.

Naging normal na kay Yron ang siyang magluluto ng almusal sa umaga, kung hindi ko pa nga siya uunahan ay baka pati paghuhugas ng plato ay siya na ang gumawa.

Madalas din kaming kumain ng sabay, kaya palagi akong tinatanong ni Jude kung saan ba daw ako pumupunta sa tuwing lunch break namin pero hindi ko naman pwedeng sabihin na kasama ko si Yron.

Hindi ko kasi matanggihan talaga si Yron, 'pag sasabihin ko na ayaw ko ay handa siyang pumunta kung saan ako para lang magsabay kaming kumain.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may ibang ibig sabihin na ang mga pinapakita niya sakin. Pero sa tuwing naaalala ko na mayaman siya at madaming babae napapagtanto ko na imposible namang ako ang diskartehan niya.

Hangat wala siyang sinasabi hindi ko nalang muna iisipin na may ibang motibo si Yron sa pinapakita niya sakin. Ganon din ang kay Jude. Baka masyado lang akong pranning at nag fe-feeling na lahat ng mabait sakin ay gusto ako. Baka gusto lang talaga nila akong maging kaibigan.

"Maganda ka, madaming magkaka-gusto sayo. Kapag nararamdaman mo na iba ang tungo malamang sa malamang tama ang hinala mo!"

Kasama ko si Gail ngayon. Saktong nagkasalubong kami kanina, bumili kasi ako ng sanitary pads sa may malapit na convenient store. Kinuha niya na din ang number ko para daw may komunikasiyon na kami.

Naikuwento ko sakanya ang mga bagay na bumabagabag sakin sa mga nakalipas na araw.

"B-baka kasi masyado lang akong gan... gandang-ganda sa sarili ko? Baka gusto lang niya akong maging kaibigan." Nahihiya kong sagot.

Maiskandalosa akong sinulyapan ni Gail kaya napanguso ako.

"Dai, hindi tayo pinanganak kahapon. Alam mo ang pagkakaiba ng tungo sayo ng mga taong nagpapakita ng motibo at gusto ka lang kaibiganin."

Nakagat ko ang aking labi. Hindi, malabo talaga kung kay Yron. Baka tulad lang siya ni Vlair. Oo. Tama. 'Yon lang talaga.

"Sino ba kasi 'yang bumabagabag sayo? Gwapo ba?"

Tumango ako.

Aminando naman ako na gwapo talaga si Yron. Matangkad siya, malaki ang pangangatawan at nakita ko na 'yon na halos hubo na siya. Bagsak ang buhok niya, maganda at malalim ang bughaw na mga mata, makapal ang kilay, mahaba at may konting pagkakulot ang pilik mata, matangos din ang ilong at mapula ang maganda niyang labi, mapanga din si Yron kaya sa madaling salita gwapo talaga, lalaking-lalaki.

"Komprontahin mo nalang para hindi ka na malito sa kakaisip, Phaedra."

Napangiwi ako, hindi ko kaya 'yon. Nakakahiya! Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkakatangal ko sa trabaho kung sa huli ay mali pala ang hinala ko.

Hinding-hindi ko ko-komprontahin si Yron.

Kaya nang makarating si penthouse ay nagpangap ako na ayos lang ang lahat, na normal lang at hindi ako naiilang at nagtataka sa mga kinikilos niya.

Sa tuwing magkasabay kaming papasok, parating ako ang huling lalabas sa kotse at hahayaan ko munang maka-alis siya dahil mahirap na kapag nakita kaming magkasama.

Nagpapasalamat naman dahil sa mga araw na lumipas ay walang nakakahalata sa set up naming ganon.

Ngayong araw, hindi ako ang naka-atas na maglinis sa opisina ni Yron, sila Rochel yata. Nasa may first floor ako nang makita ang pagpasok ng dalawang lalaki, mukha silang nga foreigner.

Nagtatawanan sila habang papasok sa elevator. Hindi sila mukhang empleyado dito.

Nagpatuloy ako sa paglilinis hangang sa matapos. Pinalinis din sakin ni Madam Mela ang mga banyo sa sixth floor at seventh floor. Nang matapos ay kaagad akong nagpunas ng pawis at bahagyang nagpahangin.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon