Chapter 20.
"Huwag kang maingay kay Mama. Baka pauwiin niya ako ng wala sa oras diyan."
Kausap ko ngayon ang kaibigan ko sa probinsiya na si Genda. Siya lang ang kilala kong makakatulong sa akin na hindi ako huhusgahan.
"|Ano ba kasi? Jusko! Na e-excite ako. Teka bibigay ko lang si Baby sa Papa niya.|"
Nakagat ko ang aking labi habang hinihintay si Genda. Para akong kukumbulsiyonin habang iniisip ang mga itatanong sakanya.
"|Ano na? Ready na ako, Tisay!|"
Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasiyon kung hindi dahil sa dulot ni Yron sakin. May asawa na si Genda, maalam siya sa mga gawaing sekswal.
Sa tuwing naiisip ko na may mga naikama na si Yron noon nababagabag ako, malamang ay gusto niya iyong mga klase ng mga babae na magaling, iyong maalam, hindi katulad ko na ignorante at naninibago pa sa makamunduhang gawain.
"Nasabi ko na naman sayo na may boyfriend na ako diba?"
Tumawa si Genda. "|Palagi! Alam mo bang panay ang kwento din ni Tita dahil para ka daw high school sa tuwing kinikilig.|"
Nasabi ko na kina Mama ang tungkol sa amin ni Yron. Tanda ko pa ng reaksiyon nila.
"|Isama mo siya sa oras na uuwi ka dito sa probinsiya, anak!|" Iyon ang unang sagot ni Mama nang umamin ako.
Hindi ko lang masabi kay Yron dahil alam kong abala siya, kahit na matagal pa naman ang plano kong uwi.
"|Oh? Sige na! Ano ba ang itatanong mo?|"
Batid kong may alam na siya. Kilalang-kilala ko si Genda, sa uri palang ng kanyang tawa alam kong inaasar niya ako.
"|Hmmm. Naku, naku, naku, naku... ang probinsiyana natusok na ng isang tiga-Maynila.|"
"G-Genda!" Mariin kong sambit sa pangalan niya. "A-anong tusok? Wala pang ganon!"
Mas tumawa pa siya.
Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang araw-araw na pagkain ni Yron sa aking pagkababae, wala siyang kasawaan. Talagang hindi siya papayag na hindi makuntento, sasagarin niya talaga ako. Bihasang-bihasa siya.
Dalawang araw nang wala si Yron dahil tulad ng balak niya noon ay umuwi siya sa Florvida kasama ang kanyang mga magulang. Nagkaka-usap lang kami sa tuwing tatawagan niya ako.
"|Mahal ka naman niya diba?|"
"Oo naman."
"|Hm, kung mahal niyo ang isa't-isa... ayos lang! Ikaw mismo ang magsabi sa akin ang gusto mong malaman tungkol sa sex.|"
Pulang-pula ang mukha ko, nakaramdam ako ng matinding init habang iniisip na hindi malabong tuluyan na kaming magtalik ni Yron.
Mahirap mang paniwalaan, pero oo at nagpipigil parin siya na tuluyan akong angkinin, bukod kasi sa pagdila at pagsipsip sa pagkababae ko ay wala na siyang ginawa pa sa parte kong 'yon.
"P-Pag ba una ay masakit?"
"|Oo, normal lang na masakit at duguin ka lalo na't una mo. Depende rin ang sakit kung gaano kalaki ang batuta ng boyfriend mo.|"
Sa ilang beses kong makita si Yron na halos hubad na alam kong hindi biro ang laki ng pagkalalaki niya. Hindi ko tuloy alam kung hihilingin ko ba na sana ay maliit lang o tama lang na pinagpala siya.
"|Sa una lang naman masakit! Kapag naglaon ay masarap na lalo na pa't kapag magaling mag romansa ang lalaki. Maniwala ka sakin para kang hinehele ng hangin.|"
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...