Chapter 28.
Nahihiya ako at hindi ko matignan nang matagal si Yron simula kaninang umaga nang magising kami. Pagkagising palang ay nagsimula ng manumbalik ang ginawa ko kagabi nung lasing ako.
Gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Alam ko namang normal na may nangyayari samin pero kailanman ay hindi ko inaasahan na ganon ako magiging uhaw sakanya.
"Is there a hotel or a motel here?" Pabulong niyang tanong nang lapitan niya ako.
Katatapos niya lang tulungan si Tiyong sa pagkukumpuni ng truck na ginagamit sa pagdedeliver sa mga binebentang ani sa kabilang munisipalidad, ni hindi ko nga inakala na marunong siya sa ganong gawain.
Kaninang umaga ay binisita ako ni Genda kasama si Baby at dahil doon ay naalala ko ang sinabi ko nang tanungin siya kung masarap ba daw ang makipag talik. Habang naiiyak ako sa kahihiyan ay tinatawanan lang ako ni Genda.
Buti nalang at naibaling niya sa ibang bagay ang usapan, napunta tungkol sa pagiging kalat na may nobyo na ako.
"Kaya hindi mo ba napapansin na dumadami ang dumadayo dito simula kahapon? Ang gwapo daw kasi ng boyfriend mo!" 'Yon ang sabi ni Genda bago umuwi.
"H-huwag mo na akong asarin, Yron, sobra na akong nahihiya sa mga pinagsasabi at pinaggagawa ko kahapon."
Nginisian niya ako, ngising pinaghalong pang-aasar at pagkamangha.
"Parang-awa mo na..." Paki-usap ko.
"Alright, I'll stop now. But answer me first, may hotel o kahit motel man lang ba na malapit dito?"
Nag-init ang pisngi ko saka umiling.
"Hmm, no making love for tonight." Ngising aso niyang sambit.
"Siyempre alam ko 'yon! L-lasing lang ako kagabi kaya... k-kaya ko nagawa 'yon."
Nag-iwas ako ng tingin saka na pumasok sa loob ng bahay, nakasunod siya sakin.
"Anong oras ba kayong nagising at ang aga niyong namalengke, Yron?"
"Alas cinco po." Sagot ni Yron.
Sa amin na naghapunan si Genda total ay may duty ni Luis, pulis kasi siya. Kinahapunan ay nagluto ng miryenda si Tiyang Ona para sa lahat.
"Tita, paano kapag umuwi si Phaedra dito ng buntis?" Tanong ni Genda.
Nginusuan ko siya at gustong suwayin sa usapang binuksan.
Bumagsak ang tingin ni Yron kay Baby na inosenteng nakatingin sa amin.
"Ayos lang." Nakangiting sagot ni Mama.
Napapalakpak ang kaibigan ko, ako naman ay nagulat sa agarang sagot ni Mama.
"Pero mas gugustuhin ko parin na ikasal nga muna bago ang buntisan, Yron."
"I already asked her twice, Tita, she kept saying 'no' to me." Sukong amin niya.
Dinig ko ang pagsinghap ni Genda saka ako tinignan. Hinintay kong magulat si Mama pero natawa lang siya, si Zia naman ay papalit-palit sa amin ni Yron ang tingin.
"Anak nga kita." Tumawa si Mama. "Noong dalaga pa ako, may manliligaw ako noon."
"Naging kayo ba, Tita?" Tanong ni Genda.
"Hindi. Tinanggihan ko din, kahit gusto ko."
Sinulyapan ako ni Yron, mukhang kinabahan sa sinabi ni Mama.
"Alam mo naman ang rason ko." Bulong ko sakanya.
"Pero huwag kang mag-alala, Yron. Sayo din naman ang bagsak niyang si Phaedra, ipa-kidnap mo nalang kapag iniwan ka, may basbas ka sakin, hindi ako magagalit."
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...