Chapter 39.
"M-maraming salamat po, Ma'am!" Nabuhay ang sigla sa mga mata ni Zia nang makita ang mga dalang libro ni Ma'am Maureen para sakanya.
"Come on girls call me Tita, napaka pormal niyo naman masyado sakin."
Mga medical books ang mga 'yon, may Ipad, Ipad pencil at laptop pa na gagamitin daw ni Zairyl kapag nag-aral na ulit siya sa Maynila. Alam kong hindi biro ang lahat ng halaga ng mga gadgets na 'yon.
"Phaedra, halika dito, binilhan kita ng ilang make-up, damit at sapatos!"
"H-hindi po mahilig si Ate sa mga ganito, Ma'am---"
"Tita, Zia, TITA."
"O-opo, Tita."
"Saka 'tong mga 'to ay magagamit niyo! May mga bikini din sa oras na mamasyal tayo sa Florvida para sainyo nila Genda. Ona!" Tawag ni Ma'am Maureen kay Tiyang. "Binilhan ko din kayo ng ilang gamit, pati si Babilyn merong mga laruan!"
Halos malaglag ang panga nila Tiyang nang makita ang ilang tauhan pa nila Ma'am Maureen na pinapasok ang dalawang kahon.
"May gusto ba kayong ipa-ayos sa bahay? Like ipa-renovate? Sabihin niyo sakin nang sa ganon ay kaagad kong maka-usap si Spencer."
Umuling ako't tinignan ang linalabas na bikini ni Ma'am Maureen.
"Lilibot tayo sa Florvida bukas, dadalhin ko kayo sa madalas naming puntahan ni Zai tapos daretso na tayo mamaya sa sementeryo. Luis, hijo, mukhang nahihiya ang asawa mo halika't kuhanin mo ang mga binili ko para sainyo lalo na kay Baby."
Napipilitang lumapit si Luis. Para kaming tumama sa lotto sa tuwing pupunta sa bahay si Ma'am Maureen, kung hindi sa pagkain sa mga ganitong bagay naman.
"Ikaw ba ay hindi ka na nag-aaral, Genda?"
"Next pasukan ay mag e-enroll po ulit ako. Tourism po noon ang kinuha ko kaso nabuntis kay Baby."
"Gagawin kitang scholar namin ng asawa ko!"
Dumating sila Sir Just at Ma'am Freya nang magtanghali na may dala din mga regalo para samin.
"I-tiyangi niyo nalang 'yan, kikita pa kayo." Natatawang biro ni Genda sakin. "Ang dami naman kasing damit at gamit. Branded pa lahat."
Bumuntong hininga ako. Masyadong masaya si Ma'am Maureen habang pinapakita samin isa-isa ang mga branded na damit at sapatos na hindi niya naipakita kaninang umaga.
"Nagbibikini ka ba, Genda?"
"Siyempre naman, Tita!"
"Yes, naman! Ikaw, Phaedra?"
"Opo..."
Naalala ko bigla ang bakasiyon namin noon sa Siargao, iyon ang unang beses kong mag suot ng ganon. Medyo ilang pa nung simula pero kalaunan ay nasanay na din.
Kinabukasan ay malaking van ang dumating kung saan doon kami sasakay mamayang aalis, kahit hindi ko pa nakikita sa loob masasabi ko ngang malawak ang loob non.
"Napakaganda naman ng mga pamangkin ko!" Nakangiting papuri ni Ma'am Maureen saka niya kami yinakap ni Zia.
"Kamukha po daw kami ni Mama." Sagot ng kapatid ko.
"Naku! Mas maganda kayo sa Mama niyo, kahit sakalin pa ko non mamayang gabi mas maganda parin kayo sakanya."
Bumitaw ako sa yakap ni Ma'am Maureen at malamig na tinignan ang van. Ilang araw na ang lumipas simula nang mailibing si Mama, hindi madali sa amin pero alam kong pinipilit ng lahat na magpakatatag.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...