Chapter 18.
Dumaretso kami ni Yron sa opisina niya. Tahimik lang ako, hindi parin makapaniwala sa nangyari sa may cafeteria. Hindi ko inaasahan na sa ganong paraan kakalat ang tungkol sa amin.
Alam kong rinig ng madami ang malambing na pagtawag niya sakin kaninang bago namin linisan ang lugar.
Sigurado akong maraming akong maririnig na pangit na opiniyon ng iba kaya ngayon palang ay hinahanda ko na ang sarili ko. Panigurado ay minamaliit na nila ako, mayaman si Yron samantalang tigalinis lang ako.
Pareho naming tinago ang ugnayan na meron kami sa isa't-isa kaya hindi ko inaasahan na gagawin ni Yron 'yon. Iniisip ko tuloy na baka ang pagseselos ang nagtulak sakanya upang gawin 'yon.
"Did he hurt you?" Tanong niya nang mapasok na namin ang opisina.
Kinagat ko ang aking labi. Medyo nasaktan ako sa higpit ng hawak ni Sir, natatakot naman ako na baka may gawin si Yron dahil sa galit.
Siguro naman ngayon wala ng didiskarte sakin dahil alam na nila na may espesyal sa ugnayan sa pagitan naming ni Yron.
"Wala." Pagsisinungaling ko.
"I'll fire him." Sigurado niya nang sambit.
Gulat ko siyang hinarap. "H-huwag na!"
"No, he harassed you. Hindi ako papayag na maulit pa ang ganong bagay. He might do it again, maybe not to you, but with my other employees."
Nagkatitigan kami pero sa pagkakataon na ito ako na ang unang sumuko. Bumuntong hininga ako saka hinayaan siyang may kausap sa telepono. May punto siya, at karapatan parin naman ni Yron na mag-alis ng empleyado.
Bigla tuloy akong nagsisi na pumunta pa sa cafeteria, sana ay walang gulong ganito. Hindi ko maiwasang maawa kay Sir kahit papaano, mukhang ako pa ang naging dahilan ng pagkakawala niya ng trabaho. Kawawa ang mga umaasa sakanya.
Naka-upo na ako ngayon sa mismong swivel chair ni Yron habang kausap niya ang isa sa mga sekretarya niya, inuutusan niya na um-order ng pagkain para sa aming dalawa. May baon naman siya, pero hindi sakto sa aming dalawa, naiwan ko din kasi ang lunch box ko sa area namin dahil sa nangyari.
Lumapit si Yron sa kinauupuan ko nang matapos sa pakikipag-usap sa sekretarya. Umupo siya sa lame saka muli kaming nagkatitigan.
"Natatakot akong bumaba." Pag-aamin ko sakanya.
"No one will hurt you. Kung meron man... tell it to me immediately."
Bumuntong hininga ako. Aminado naman ako na masaya ako sa piling ni Yron, pero talagang natatakot lang ako dahil hindi naman ako sanay sa mga ganito.
"Ano nalang sasabihin nila ngayon na alam nilang ako ang babae na kasama mo palagi?"
Kung may magtanong tungkol sa amin ni Yron hindi ko alam kung masasagot ko ba sila ng maayos. Masyado pa akong bigla sa nangyayari ngayon.
"We shouldn't care about their opinions. At, ano naman kung malaman nila na liniligawan kita?"
"Janitress lang ako." Napalabi ako.
"And so?"
Tinignan ko kung seryoso ba talaga siya na wala siyang pakiyelam sa estado naming dalawa. Wala akong mabasa sa mga mata ni Yron, masyado siyang misteryoso.
"It doesn't matter. Wala akong pakiyelam sakanila." Malamig niyang saad saka ako hinila patayo. "What matters to me is you, as long as no one is hurting you I'm good with it."
Unti-unting lumambot ang ekspresiyon niya. Marahang hinaplos ni Yron ang pisngi ko, halos mapapikit ako dahil sa ginawa niya.
"Starting today you'll ignore everyone who'll talk badly to you about our relationship. Understand?" Malambing niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
Любовные романыMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...