Chapter 17.
Nakatulala ako sa malaking screen habang pinapanuod ang dalawang bida sa palabas na naghahalikan, hawak ko ang remote at balak na sanang ilipat kanina pero nang napunta sa ganito ang eksena ay wala sa sariling napa tutok ako.
Pumasok sa isip ko ang mga halikan namin ni Yron, mas hamak na mas mainit at mas grabe ang ginagawa niya sa akin. Walang-wala sa halikan ng dalawang artista na 'to.
"If you want to do that you can always call me."
Sa gulat ko sa biglaang pagdating ni Yron ay nadala ko ang aking kamay sa aking dibdib. Saka ko lang naintindihan ang sinabi niya nang kumalma na ako.
Napapahiyang linipat ko ang channel at napunta naman sa palabas kung saan ang kabit at bidang lalaki naman ang naghahalikan. Napatikhim ako sa ilang, samantalang rinig ko ang mahinang pagtawa ni Yron.
Sa huli ay pinatay ko na nang tuluyan ang telebisyon saka hinarap si Yron na hindi pumasok sa trabaho. Day off ko ngayon samantalang siya ay meron dapat talagang trabaho pero mas pinili niyang samahan ako ngayong araw.
Nakakaloko niya akong nginisian saka linapit sakin ang katawan niya.
"Should we kiss now?"
Napanguso ako saka bahagya siyang tinulak.
"Tara na."
Hinila ko ang braso niya. Aalis kami ngayon para bumili ng halaman, gusto ko kasing mag-ala nang sa ganon ay may dinidiligan kami ni Yron para narin mukhang buhay ang unit niya.
"Let's kiss first." Pang-aasar niya sakin.
Kinawit ko ang aking kamay sa braso ni Yron na mas ikinangiti niya. Nang mapansin ko na masyadong lapat ang gilid ng aking dibdib sa braso niya ay sinubukan kong lumayo pero hinila ako pabalik ni Yron.
"What plant do you want?" May ngiti sa labing tanong niya habang nakasakay kami sa elevator.
"Gusto kong mag-alaga ng mga cactus. Tatlo sana."
"Hm." Tumango siya. "Ano pa?"
"Iyon muna saka na natin dagdagan."
Nang makarating kami sa parking area ay kaagad naming tinungo ni Yron ang sasakyan niya, ako ang una niyang pinapasok tapos ay siya na. Ilang minuto din ang tinagal namin sa byahe bago huminto sa isang shop na halatang halaman at mga bulaklak ang itinitinda.
Nasabi ko sakanya ang hilig ko sa paghahalaman kaya eto kami ngayon at bibilhin ang gusto ko.
Kausap ni Yron ang mag-ari ng tindahan habang ginagabayan ako ng isang babaeng empleyado rito. Panay siya pakilala sa mga halamang hindi ko ganon kaalam pero cactus lang talaga ang gusto ko.
"Meron po ba kayo nung cactus na maliit? Yung madaming tusok? Meron din po ba nung medyo malaki, yung parang kumakaway."
Mahinang natawa ang babae dahil siguro ng tono ko. Alam ko naman na minsan ay tunog bata ako.
"Meron po, ma'am. Madami po kami 'non, hali po kayo ipapakita ko po."
Tumango ako saka sumunod sakanya. Nakita ko ang iba't-ibang anyo ng cactus, may mahaba, may mataba at at pabilog. Sinipat ko sila isa-isa.
Seryoso akong nakikinig sa staff habang inaangat ang maliliit na paso ng cactus. Tatlo lang ang bibilhin ko kaya dapat ay yung pinaka magandang tignan na.
Nang dumating sa tabi ko si Yron ay nakapili na ako. Natawa siya nang makita ang gusto ko pero sa huli ay tumango siya. Ako ang nagbayad sa isa at siya naman sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...