Chapter 11.
Sa tuwing free time ko sa trabaho ay tulala ako dahil sa kakaisip kay Yron, nababagabag ako ng mga ginagawa niya sakin.
Ilang araw na ang lumipas pagkatapos malasing ni Yron at masasabi kong sa mga araw na 'yon ay naging agresibo siya.
Tuwing nasa bahay na kami ay lumalabas ang kapilyuhan niya. Hindi niya ako tinitigilan, hindi ko naman magawang magalit sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hindi ko nga alam kung tinuturing niya pa ba akong kasambahay dahil sa tuwing naglilinis ako ay tumutulong din siya. Sa aming dalawa, si Yron ang madalas magluto, halos wala na nga akong gawin dahil halos serbisyuhan niya na ako sa lahat ng bagay.
Pilit kong pinapaalala sa sarili ko na bawal ko siyang magustuhan dahil magka-ibang magka-iba ang buhay naming dalawa. Mayaman siya, mahirap ako. Kahit saan tignan madaming iisipin na pera lang ang habol ko sa oras na maging kami.
Hindi ko inisip noong bago-bago palang ako sakanya na pwede niya akong magustuhan. Panay iwas siya noon sa akin, pero ngayon kung hindi lang kami makikita na magkasama alam ko na hindi niya ako lulubayan kahit nasa kumpanya pa.
Kinakabahan ako kapag magkasama kaming dalawa, natatakot ako na baka bumigay ako bigla dahil sa karisma at pang-aakit niya.
May mga nagustuhan na naman ako noon, iyong crush ba kung tawagin, pero kailanman ay hindi pa ako nagkaroon ng nobyo. Kaya bago talaga sakin ang gustong mangyari ni Yron.
Kahit kasi sabihin ko na hinindihan ko na siya, masyado siyang mapilit na gustuhin ko siya pabalik.
Pangit sa isang tao ang hindi marunong tumangap ng regeksiyon, pero tila ayos lang sakin ang ginagawa ni Yron! Literal na nalilito ako sa iniisip ko sa mga nagdaang araw.
Bumuntong hininga ako saka kinalma ang sarili. Binuksan ko ang locker ko nang makita ko na may cupcake at letter doon.
Kahit hindi ko na basahin ang sulat alam kong kay Yron galing 'to dahil araw-araw siyang may handang pakulo.
Kahapon lang ay binigyan niya ako ng human-sized teddy bear, hindi ko naman kailangan talaga 'yon pero ayun at nasa kama ko na. Iyon ang yakap ko kagabi.
Nangangamba ako na baka magustuhan ko siya, hindi dahil sa may reputasiyon siyang hindi maganda pagdating sa mga babae kung hindi dahil baka magkanda bululyaso ang mga plano ko.
Naalala ko noon ang mga panay kinukwento ni Genda sakin, na marami daw nababaliw sa pag-ibig, madaming nawawarak at madaming nasasaktan.
Kung hahayaan ko ang puso ko na bumigay kay Yron mukhang ako ang kawawa.
At isa pa, madami na akong iniisip sa buhay, kaya ko pa bang isabay ang pakikipag relasiyon?
Kinuha ko ang cupcake at cellphone ko. Umupo ako sa sulok saka habang kinakain ang bigay ni Yron ay dinial ko ang numero ni Mama.
Kaagad niya namang sinagot, kinamusta ko siya hangang sa sabihin ko na talaga ang sadya ko kung bakit ako tumawag.
"|Sino ang suwerteng lalaking 'yan?|" May bahid ng pang-aasar ang tono ni Mama.
Nag-init ang pisngi ko. Nakakahiya pala talaga ang ganito, para akong teenager na nag re-report sa nanay.
"M-My, hindi naman po ako ang may gusto, siya ang nagbabalak manligaw. Hindi ko alam kung hahayaan ko ba siya---"
"|Hindi mo ba siya gusto?|"
"Hindi naman po sa ganon, Mama, ang kaso busy ako. Saka... pwede po ba akong mag nobyo?"
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...