Chapter 27.
Umiiyak na yinakap ko si Mama na kagaya ko ay emosiyonal din, nasa tabi si Tiyang Ona na nakatingin kay Yron.
"Miss na miss kita, My. Palagi ko kayong iniisip, kung iniinom niyo ba sa oras ang mga gamot niyo. Hindi naman po ba matigas ang ulo niyo sa pagpapagamot?"
Lumayo sa yakap si Mama saka natatawang pinahid ang luha sa pisngi ko. Miss na miss ko siya, hindi naman talaga kasi ako sanay na mawala sa pamilya ko kaya ganito nalang ang reaksiyon ko matapos ng ilang buwan na hindi namin pagkikita.
"Ayos lang ako, anak."
Mas namayat siya, hindi ko alam kung dahil ba sa chemo. Sa tuwing tinatanong ko naman kasi sila Tiyang Ona at Zia ay palagi nilang bukang bibig ay ayos lang si Mama.
"Mas gumanda ang kutis mo, Ate!" Nakangiting saad ng kapatid ko.
"Araw-araw ba namang nadidiligan." Hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi ni Genda.
Hindi ko na siya pinansin, kanina ay kasama niya pa sila Norma na kaaalis pinangako nilang babalik sila bukas. Masyado akong masaya para patulan ang pang-aasar ng Genda.
"Mas gumanda ang anak ko! Mukhang insipired na inspired!"
Namula ang mukha ko saka bahagyang hinila si Yron na tahimik lang, hinahayaan akong batiin muna ang pamilya ko.
"Ma, si Yron, boyfriend ko nga pala."
Umawang ang labi ni Mama saka mangha akong tinignan. Hindi niya siya pansin kanina dahil ako kaagad ang yinakap niya.
"Ang gwapo mo, hijo. Bagay na bagay kayo ng anak ko!"
Bahagyang ngumiti si Yron at mukhang hindi alam ang gagawin, sabagay, eto marahil ang unang beses na magpakilala siya sa magulang ng karelasiyon niya.
"Anong pangalan mo, hijo?"
"Yoren Olliver, Ma'am."
"Tita nalang ang itawag mo sakin, 'nak. Tutal ay mukhang ikaw din naman ang magiging manugang ko." Masayang tumawa si Mama saka ako kinindatan.
"My! Napaka bilis naman..."
Tinaasan ako ng kilay ni Yron dahil sa sinabi ko. Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagtatanong kay Mama at Zia, nasabi ko din na kagagaling lang namin sa Siargao bago kami nagtungo dito.
"Ilang araw ba kayo dito, hijo?" Tanong ni Mama.
Magkatulong na naghahahin ng pagkain si Genda at Zia, si Tiyang naman ang nagluluto ng ilan pang pagkain. Kandong ko ngayon si Baby na hinihila ang manghas ng damit ni Yron.
"Three days po."
"Mas magagalit siya sayo, Baby, bawal manghila ng damit." Natatawa kong suway kay Baby.
Palihim na tinapik ni Yron ang tuhod ko dahil sa sinabi ko. Bahala siya, hindi naman ako nang-aasar.
Madaming tinanong si Mama kay Yron, at maingat niyang sinasagot ang lahat. Nasulyap ako kay Tiyang na seryoso lang, hindi ko tuloy maintindihan kung bakit ganon nalang ang reaksiyon niya ngayon.
Kinuha ni Genda si Baby nang magsimula na kaming kumain. Halos mapa-ungol ako sa sarap, nakakamiss ang pagkaing probinsiya. Masarap namang magluto si Yron pero hindi ko maiwasan hanap-hanapin ito.
"Kamusta naman sa Maynila, Ate?" Nakangiting tanong ng kapatid ko.
"Ayos lang naman."
"Maganda po ba doon?"
"Maraming tao, masasakyan, madaming buildings at mapolusiyon." Totoo kong saad. "Maganda kapag gabi."
Nagningning ang mga mata ni Zia, alam kong gusto niya din makapag-aral sa Maynila. Balak niyang mag apply sa mga State Universities doon kung papalarin man na mapagbigyan, UP, PLM, at PUP ang natukoy niya sakin noon.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...