Chapter 38

2K 37 2
                                    

Chapter 38.

Masakit mawalan ng isang ina. Kahit sabihin kong hinanda ko na ang sarili sa posibilidad na iwan kami ni Mama, masakit parin talaga.

Dalawang araw siyang binurol sa amin bago linipad ang kabaong niya papunta sa kung saan siya napanganak at lumaki, sa Florvida.

Tinignan ko si Ma'am Maureen na mugto ang mga mata habang tulala. Simula nang namatay si Mama isa siya sa mga kaagapay ko sa lamay. Pareho kaming walang tulog, palagi ko din siyang nakikita na umiiyak kaya palaging nasa tabi niya si Sir Vito.

Inaasahan ko na iiyak ako sa oras na mawala ang Mama pero mag a-apat na araw na wala paring luhang pumapatak sa mga mata ko. Para akong manhid habang pilit tinatatagan ang sarili.

Naaawa ako sa kapatid kong hindi na halos makapag salita. Masyadong apektado si Zia, inaasahan niya na matutulungan pa kami ni Ma'am Maureen para ipagamot ang aming ina pero kinabukasang aalis na kami papunta Maynila saka naman hindi na nagising si Mama.

Binurol si Mama dito sa dati nilang bahay sa Florvida. Napakalaki at kahit ilang taon na ang lumipas maganda parin ang pagkaka-desenyo. Sumisigaw ito ng karangyaan at kapangyarihan, agad mong masasabi na mayaman nga ang dating mga nakatira dito.

Madaming nakikiramay sa aming mga local ng Florvida hindi ko inaasahan na talagang kilala pala ang pamilya namin. May ilang kaibigan din na nanggaling pa sa Maynila at ibang bansa para makita sa huling sandali si Mama.

Sila Sir Just at ang asawa nitong si Ma'am Freya ay isa rin sa punong abala sa lamay. Nakilala ko din ang ilang mga kaklase noon ni Mama sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas, naka-usap ko pa nga si Sir Kurt.

"Nakikiramay kami, hija." Iyon panay ang pinapa-abot nang mga pumupunta sa bahay.

Tipid ko lamang silang tinatanguan, hindi ko kayang magpa salamat o ngumiti.

"Tiyang, ako na po diyan."

Kinuha ko ang tray ng kape na hawak ni Tiyang Ona para ako na ang magpatuloy ng ginawa niya, simula kagabi ay wala pa silang tulog nila Genda, alam kong pagod na din sila.

Marami naman ang naghahatid ng mga kape at pagkain sa mga nakikiramay pero kailangan kong kumilos nang makalimutan ang sandamakmak na iniisip.

Habang linilibot ang buong bahay para mamigay ng kape ang halimuyak ng mga nagkalat na bulaklak ang siyang nagsisilbing paalala sakin na hindi talaga ito panaginip. Wala na talaga ang Mama ko.

Kahit sa huling pagkakataon ay ginawa lahat ni Ma'am Maureen para mapanatiling maayos at presentable ang itsura ng bahay, nagpapasalamat ako dahil kahit hindi niya naman kailangang gawin ito ay tinutulungan niya parin kami.

"Ang ganda pala talaga ng mga anak ni Ma'am Zairyl." Dinig kong pag-uusap ng ilang matatanda.

Matapos mamigay ng kape ay kumuha ako ng pagkain para kay Zia. Kita ko siyang umiiyak habang yakap ni Genda. Bumuntong hininga ako nang makalapit.

"Zia." Marahan kong tawag.

Nakabalandra ang sakit at pagsisisi sa maamo niyang mga mata.

"Kumain ka muna."

Umupo ako sa bakanteng silya at pinatong doon ang plato, tahimik akong naglagay ng pagkain sa kutsara saka tinapat sa bibig ni Zia. Umiiyak siyang umiling.

"Hindi gugustuhin ni Mama kung hindi ka kakain ngayon, kailangan nating maging matatag."

Pinahid ni Genda ang mga luha ni Zia. Unti-unting tumango ang kapatid ko at tipid na kumain nang marinig ang aking sinabi.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon