Chapter 16
Sa mga lumipas na araw na nagta-trabaho ako sa kumpanya ay namumuo ang usap-usapan na may nililigawan si Yron na empleyado niya. Wala pa namang may alam na ako 'yon pero nakakatakot dahil napakabilis kumalat ng balita.
"Hindi muna ako sasabay kumain sayo sa buong linggong 'to para huwag tayong mahalata." Iyon ang huling sinabi ko kay Yron bago siya lumabas ng sasakyan kaninang umaga.
Ilang lingo na rin siyang nanliligaw at sa mga lumipas na araw na 'yon ay wala naman akong nakitang pagbabago sakanya. Madalas ay suplado parin sa iba, sakin lang talaga nagiging maayos.
Sa tuwing may naririnig akong nag-uusap patungkol kay Yron at sa misteryoso niyang nililigawan (ako) ay hindi ko maiwasang mailang. Ramdam ko kasi kaagad ang pagkamunhi at ingit nila sa akin.
Natatakot din ako sa oras na mag salita si Ma'am Suzie tungkol sa chismis.
Hindi parin siya ayos sa akin, sa tuwing ako ang nadi-distino sa Department nila ay nanliliit ako sa pakikitungo niya.
Talagang nararamdaman ko ang pagkakaiba naming dalawa. Naiintindihan ko naman ang galit niya. Gusto niya si Yron at mas matagal na silang magkakilala kaisa sakin na ilang buwan palang nandito sa Maynila, at ngayon ako na ang liniligawan ni Yron.
Hindi ko siya masisisi kung kamuhian niya ako, kaso sana naman ay maunawaan niya na hindi ko rin naman hinangad sa una palang na gustuhin ako ni Yron.
Oo masaya ako ngayon, pero hindi naman ibig sabihin non na ako ang unang kumilos para makuha ang atensiyon ng lalaking gusto niya.
Buong oras ko sa morning hours ay paglilinis ang ginawa ko.
Nang mag break ay kaagad akong dumaretso sa cafeteria, mapapamahal ako kung balik ako sa ganito. Kakausapin ko nalang si Yron na magluluto nalang ako ng hapunan para sa aming dalawa nang sa ganon ay makatid maging siya.
Nang lumakas ang bulung-bulungan sa paligid alam ko na kaagad na si Yron ang pumasok. Pasimple kong sinipat ang bukana, at tama nga ako, papasok ang seryoso't pormal na CEO.
Halos lahat ng babaeng malapit sa edad niya at edad ko ay napapatingin sakanya. Sobrang gwapo kasi kaya hindi kataka-taka kung paglawayan siya ng halos lahat.
Nang ako na ang bibili ay pinaka mura ang in-order ako saka na pumunta sa lamesa na medyo nasa dulo.
Isusubo ko palang sana ang unang kutsara nang may umupo sa harapan ko, si Jude.
Bumagsak sa aking mukha ang mga mata niya. Medyo napalunok ako dahil alam kong nakikita ako ngayon ni Yron. Seloso siya, at sa tuwing nagseselos siya ay hinahalikan, hinahawak-hawakan o kaya naman ay lalagyan ng tanda sa leeg ang palagi niyang ginagawa.
"Himala at kumain ka dito?" Mapanuri niyang tanong.
Alam kong hinuhuli niya ako, hindi ko lang alam kung may ideya ba siya na si Yron talaga ang kasama ko pero mukhang wala naman.
"Hindi kasi ako nagbaon ng pagkain, kaya dito ako kumain." Tipid ko siyang nginitian saka sumubo ng isang kutsara.
Ramdam ko parin ang titig ni Jude. Bumuntong hininga ako saka pilit na nagpaka kaswal. Tulad nang dating pakikitungo sakanya... ganon dapat ang gawin ko.
"Buti at hindi mo kasabay sina Rochel?" Tanong ko nang medyo nabawasan ko na ang pagkain sa aking plato.
"Ayaw mo bang kasama akong kumain ngayon?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi naman sa ganon, Jude, siyempre masaya kasi nag-uusap na tayo ulit. Naiisip ko lang na baka magselos na naman sakin si Rochel."
Ayaw ko ng may kaaway. Tama na 'yong galit si Ma'am Suzie sa akin. Nakakalungkot din kasing isipin na madami ang may ayaw sakin.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...