Chapter 45.
"Alright! Party-party hangang mamatay people!"
"Scar." Seryosong bawal ni Vern sa asawa.
Natatawa kong sinulyapan ang mga alak na naka hilera dito ngayon sa labas ng Mansion. Kahapon ay ang party na inayos nila Ma'am Hurt para sa amin ni Yron habang ngayon naman ay simpleng salo-salo lang.
Umakyat na ang matatanda at kami-kami nalang. Kasama ko sila Kennedy, Hailey, Scar at Weylyn, at Andy. Magkakasama naman sila Angy, Yhalia, Zia, at Cyrille sa taas.
"You're not allowed to drink."
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig 'yon mula kay Yron. Inaasahan ko pa naman na makakapagsaya ako kagaya nila Scar pero dahil sigurado na siya na buntis ako ay hindi ako makakainom kahit wine man lang.
"You'll have water and milk for tonight."
Bumuntong hininga ako, pansin ko na nakatingin lahat ng mga pinsan niya sa amin. Tatlong araw ng nandito ang lahat ng Guillieaes habang lagpas mag-iisang buwan na kami ni Yron na inaayos ang mga kailangan para sa kasal, may mga kaantabay naman kami pero siyempre iba parin talaga kung kami ang mag-aayos tutal kami naman ang ikakasal.
"Juice, babe, you can drink juice. I'll ask our maids to get you some." Saad ni Kennedy.
Nginusuan ko si Yron saka dahan-dahang tumango. Tinuro ko sila Vlair na naghihintay sakanya kanina pa.
"Doon na kayo ni Vern kaya na namin dito nila Scar."
"No alcohol." Seryoso niyang paalala.
"Oo nga, ulit-ulit ka naman." Iritable kong saad.
Tumaas ang kilay niya bago sumubok na halikan ako pero tinalukuran ko nalang siya basta-basta, linapitan ko sila Hailey na tinatawanan si Yron.
"Hindi bali, mag pulutan ka nalang muna, Phaedra." Si Scar na abala sa pagbubukas ng mga alak. "Bawal ang heavy meal kapag gabi dahil lalaki ang tiyan mo! Nakita mo ba yung wedding picture ko non? Diba ang sexy ko? Dapat ganon ka din!"
Umupo na kami sa lamesa ng mga babae, dumating din si Kennedy kasunod ang dalawang kasambahay na may dalang: tubig, juice, gatas at ilang prutas.
"Your fiance asked our maids to bring these carton milks and fruits."
"Hindi kaya mag tae si Phaedra? Halo-halo!"
"Ah, ano, uh, juice at prutas nalang." Tinignan ko ang mga kasambahay. "Pakipasok nalang po ang mga gatas. Salamat."
Tumango sila at sumunod. Tinikman ang fresh orange juice sakto lang at masarap. Fresh juices palagi ang sineserve dito, malawak kasi ang lupain ng mga Guillieaes kung saan madami ng tanim na prutas, ang sabi noon ay wala naman halos ganon naisipan lang ni Ma'am Hurt. Madalas nga din kaming mamasyal ni Yron sa may Centro at sa bahay nila sa Aquantes kapag hindi gaanong abala.
"Look, panay ang sama ng tingin sayo ni Kuya."
Sinulyapan ko si Yron dahil sa sinabi ni Hailey, masama nga ang pinupukol niyang tingin sakin habang umiinom ng matapang na alak. Inirapan ko siya saka nagpatuloy sa pagkain ng prutas.
'Ano bang problema niya?'
"Ate niyo Phaedra matapang na!" Malakas na tumawa si Scar nang makita ang ginawa ko. "O ano Yron may kaya ka ba dito sa manok ko?! Pusta ko pa pera namin ng asawa ko, eh!" Sigaw niya sa kabilang lamesa.
"Ano ba 'yan! Nakakain ka ba ng microphone at speaker?!" Iritableng tanong ni Weylyn na katabi si Andy, anak ni Ma'am Clarisse, na kagaya ko ay juice lang ang iniinom.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomansaMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...