Chapter 35.
"Paano naman nangyari ang ganon, Tiyang?" Umiiyak kong tanong nang marinig ang sitwasiyon nila sa probinsiya. "Bakit imbis po na gumaling si Mama ay lumala pa ang cancer niya?"
Naninikip ang dibdib ko habang iniisip na wala na kaming magagawa ngayon. Kalat na ang tumor, sabi ni Zia ay hindi na raw makabangon si Mama, ilang araw na siyang nakahiga nalang sa kama at kagabi lang tinakbo sa ospital.
Ang sakit tangapin na malaki ang posibilidad na sandali nalang ay kukuhanin na siya sa amin. Masaya ko pang pinangako na uuwi ako sa pasko, inaasahan ko na sasalubungin din namin ang bagong taon ng puno ng saya at sigla.
"|H-hindi... nagpapa chemo si Zairyl, Phaedra.|"
"T-Tiyang..." Nanghihina akong napayuko nang marinig 'yon.
Wala sa sariling umiling ako. Halos mamanhid na ang katawan simula kagabi.
"|Iniipon niya ang pera na pinapadala mo para may pera kayo ni Zia sa oras na magkagipitan. Gusto ng Mama niyo na bumalik kayo sa America nang sa ganon ay makapag-aral kayo ulit ng kapatid mo.|"
Napahawak ako sa dibdib ko habang umiiyak. Wala si Gail at hindi niya pa alam ang sitwasiyon ko, wala din akong balak sabihin sakanya dahil alam kong may problema din siya.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga tawag na hindi nila masagot at ang palaging pagmamadali ni Genda sa tuwing kausap ko siya.
Alam ko ng may mali pero hindi ko inakala na ganito kalala dahil sa tuwing nagtatanong ako kung kamusta sa probinsiya ay panay ang sagot nila na maayos lang.
"Sana, Tiyang, sinabi niyo po sakin ang planong 'yan. Sana hindi kayo naglihim, ngayon niyo lang po sinabi sakin ngayong nakaratay nalang si Mama."
Hindi ko na maka-usap si Zia dahil siya ang nag-aasikaso kay Mama.
Gusto kong umuwi para maalagan ang nanay ko pero wala pa akong perang pambili ng tiket sa barko dahil naipadala ko lahat dahil akala ko ay tuloy ang pagpapa gamot ni Mama.
"|Ginipit din kasi kami dito, Phaedra...|" Saad ni Tiyang matapos ang sandaling katahimikan.
"P-po?"
Biglang pumasok sa isip ko ang banta ni Ma'am Hurt noon.
Unti-unti akong kinakain ng galit sakanila. Rinerespeto ko sila at malaki ang paghanga ko sa pamilya nila... pero ngayong ang Mama ko na ang usapan naglaho ang lahat ng iyon.
"|Y-yung sagingan bago ka pa maka-uwi ay naibenta na namin. Yung perang naitatabi para sa pag-alis niyo papunta sa America ay nagastos nitong mga nakaraang lingo.|"
Malamig kong tinignan ang gamot na binili sakin ni Yron nung isang araw. Wala akong ibang maramdaman kung hindi galit. Galit sa mga Guillieaes.
"|Ayaw ipasabi ni Zairyl sayo dahil ayaw niyang maapektuhan ka ng husto diyan sa Maynila. Sinubukan naman naming ayusin, tinutulungan din kami nila Mayor pero...|" Rinig ko ang buntong hininga ni Tiyang sa kabilang linya.
"|Kausap niyo pa po ba si Ate, Tiyang?|" Boses 'yon ni Zia.
Rinig ko ang kaluskos, mukhang inabot ang tawag sa kapatid ko.
"|Hello, 'te?|"
"Hm?" Nanghihina kong tugon.
"|Gusto kang maka-usap ni Mama, gising na po siya.|"
Napakurap-kurap ako nang mas sumidhi ang sakit sa puso ko.
Ilang segundo lang ay rinig ko ang pamilyar na tinig ng aking ina.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...