Chapter 25

1.8K 38 2
                                    

Chapter 25.

"|Happy birthday, anak.|"

"Thank you po, Mama."

"|Mag de-date ba kayo ni Yron?|"

Mapait akong napangiti sa tanong ni Mama. Oo, ngayon ang birthday ko samantalang bukas naman ang kay Yron.

Dahil sa problema namin ngayon hindi ko na inisip na sabihan pa siya. Kaya lang naman ako nagagalak sa paparating niyang kaarawan noon dahil balak kong pagsabayin nalang ang selebrasiyon para sa araw ng kapanganak namin.

Ilang araw na ang lumipas pero mas lalo lamang lumaki ang gusot ni Yron sa magulang niya. Tanda ko pa ang huling beses na nagalit si Sir Yvans dahil sa pagsigaw ni Yron kay Ma'am Hurt nang subukan niya na naman akong pagbuhatan ng kamay. Mismong dito sa penthouse nangyari 'yon.

Gabi-gabi akong tahimik na umiiyak sa tabi ni Yron tuwing natutulog siya. Nasasaktan ako para sa sitwasiyon niya. Alam ko naman na hindi magiging pangit ang relasiyon niya sa kanyang mga magulang kung hindi dahil sakin.

"|Nasabi niya na ba sayo ang plano niya? O baka naman isu-surprise ka niya?|"

"B-baka kakain po kami sa labas, My."

Day off ko ngayon. Kaninang umaga ay normal lang ang pakikitungo sakin ni Yron. Mukhang hindi niya alam na kaarawan ko, sabagay, hindi ko naman nasabi sakanya.

Kaso naisip ko, bakit siya hindi niya naman sinabi sakin ang birthday niya pero alam ko naman?

'Hay naku, Phaedra, dapat intindihin mo siya.'

Umakyat ako kaninang pagkatapos naming mananghalian, ilang oras na ako dito sa kwarto namin (nailipat niya na lahat ng gamit ko sa kwarto niya) nagtatampo kasi ako, nakaka-asar nga at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-inarte.

"|May problema ba?|" Marahang tanong ni Mama nang mapansin ang pagiging matamlay ng boses ko.

Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko sa mga lumipas na araw sabayan pa ng sitwasiyon ko ngayon.

Gusto kong komprontahin si Mama tungkol sa akusasiyon nila Ma'am Hurt sa pamilya namin pero masyado akong nasasaktan na baka sa huli ay totoo pala talaga. Na kaya sila umalis noon sa Pilipinas ay para takasan ang mga Guillieaes.

"Wala naman, My. Iniisip ko lang po ang gagawin namin mamaya ni Yron para sa birthday ko."

Humalakhak ang mahal kong ina sa kabilang linya.

"|Mukhang excited ng prinsesa ko, ohsiya, ibababa ko na ang tawag. Enjoy your day!|"

Nang mamatay ang tawag ay pinahid ko ang nangingilid kong luha. Miss na miss ko na ang pamilya ko, nasasaktan ako sa tuwing nakakarinig ng masasamang bagay tungkol sa amin. Hindi ko naman kayang labanan sila dahil kung totoo man na nakagawa kami ng masama, may karapatan nga silang magalit samin lalo na sa akin.

Inayos ko ang simpleng regalo ko para bukas kay Yron. Alam kong lahat naman ay kaya niyang bilhin, pero gusto ko parin siyang regaluhan. Pinag-ipunan ko itong shirt dress na nabili ko sa isang tindahan sa mall na madalas naming puntahan.

Gusto kong bigyan siya ng isang bagay na palagi kong makikitang suot niya. Hindi naman kasi siya mahilig sa kwintas, kung relo naman hindi man lang nangalahati ang budget ko. Saka na ako babawi sa susunod niyang birthday.

Kumalma muna bago napagpasyahan na bumaba para kausapin na siya. Walang mangyayari sa oras na hindi ko siya kibuin.

Nang makababa ako ay hindi ko siya makita.

"Y-Yron?" Tawag ko.

Wala siya sa sala, wala din siya sa kusina, tinignan ko siya sa gym room pero wala din siya, chi-check ko na sana ang office room nang lumabas doon si Yron at agad sinara ang pinto.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon