Chapter 41.
Sinalubong namin ang bagong taon na kasama ang pamilya ni Ma'am Maureen sa bahay. Isang lingo matapos non ay bumalik na kami sa Maynila kasabay sila habang sila Tiyang naman ay bumalik na sa probinsiya namin.
Simula kahapon ay abala na kami ni Zia sa pag-aayos sa mga kulang sa apartment tinutulungan din kami ni Gail.
"Ang ganda pala talaga ng Mama niyo."
"Totoo po, Ate! Lalo na nung dalaga siya."
"Mala Megan Fox! Kaya pala sobrang ganda niyo nitong Ate Phaedra mo, Zia."
Libang na libang sila habang pinagmamasdan ang ilang larawan ni Mama na inuwi namin dito sa Maynila mula sa Florvida, meron din nung nasa probinsiya pa kami na nabitbit pala ni Tiyang Ona.
"Zia, huwag na huwag mong papapasukin ang Kuya Yron mo kapag dumalaw dito, naiintindihan mo ba?"
Binalingan ko sila ng tingin. Pareho sila ni Gail na natigilan.
"B-bakit naman, Ate?"
"Hiwalay na kami, hindi na kami magkakabalikan pa. Kung panay niyo siyang pakikisamahan tulad ng dati baka hindi niya ako tigilan."
Hindi sumagot si Zia malungkot siyang tumango saka nag-iwas ng tingin.
Alam ko namang napalapit na sila kay Yron pero kailangan nilang maintindihan kung bakit ko ginagawa ang bagay na 'to.
Umalis si Gail kinagabihan dahil sinundo na siya ni Thadeo.
Bali si Zia na ang sa dati kong kwarto, binilhan ko siya ng single bed at study table dahil mahilig mag-aral ang kapatid ko. Balak ko ding magpagawa ng lalagyan ng mga libro nang sa ganon ay maayos niya ang mga koleksiyon niya.
"Ate, papasok ka na uli bukas sa trabaho?"
"Oo. Zia, palagi mong i-lolock ang pintuan. Huwag na huwag kang magpapasok kung sino-sino, kung hindi naman ang landlady o si Ma'am Maureen huwag mo ng buksan."
"Opo. Mga anong oras po pala bali ang uwian niyo?"
"Baka alas seis ay nandito na ako, hindi na din naman ako mag do-double job. Alam mo na din naman na ang papunta sa palengke diba?"
"Opo, ako na ang bahalang mamalengke."
"Kung may problema patungkol sa bahay si Aling Sisa ang kausapin mo, kapag ikaw naman ang may problema tawagan mo ako o kaya naman mag-iwan ka ng mensahe sakin. Hindi ko kasi palaging hawak ang cellphone ko sa tuwing break time lang namin."
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Nag commute lang din ako papunta sa hotel, binate ako ng pakikiramay ng mga kasamahan ko sa trabaho. Buti at hindi parin ako naaalis kahit na matagal akong nawala, hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero malaki ang pasasalamat ko dahil kahit na may nakatabi kaming pera ng kapatid ko ay kailangan ko paring kumayod para sa pag-aaral niya.
"Ralph, pwede bang ikaw nalang ang kumuha ng order ni Yron?" Paki-usap ko sa kaibigan.
Tumango siya saka linapitan si Yron, nagpatuloy ako sa pagtatrabaho nang hindi siya pinapansin o nililingon man lang.
Sabay kami nila Gail nagtanghalian nang sumapit ang lunch break namin, nagpapasalamat ako dahil hindi na nila ako kinulit patungkol kay Yron, mukhang naiintindihan na nila ni Ralph na wala na talagang makakapagpabago sa isip ko.
Habang naghihintay ng jeep na masasakyan ay biglang may kumalabit sa aking balikat nilingon ko siya at nakita ang dati kong kasama sa trabaho sa kumpanya ni Yron.
"Sabi na nga ba at ikaw, Phaedra!" Masayang ngumiti sakin si Jude.
Itim na pantalon at asul na polo ang suot niya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomansaMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...