Chapter 29.
Nakatingin halos lahat sakin ang mga katrabaho ko nang makapasok na ako sa headquarters namin. Kita ko pa ang pagtaas ng kilay ng grupo nila Rochel.
Pansin ko na simula nang malaman nilang ayaw ako nila Ma'am Hurt para kay Yron ay bumalik ang dati nilang pakikitungo sakin.
Mas gugustuhin ko nalang na huwag nila akong pansinin kaisa sa mapag-initan naman nila ako.
"Sarap ng bakasiyon natin, ah." Pinalibutanan nila ako kaagad habang abala kong pinapasok ang ilang gamit sa may locker.
"Hindi ko gusto ng away." Usal ko.
Nagsitawanan sila. Mas madami sila kumpara sakin, noon pa man naman ay alam ko nang hindi na maganda ang ugali nila, kaso naninibago ako dahil medyo matagal din silang nanahimik.
"Balita namin na nagawa mo pang mag relax habang pinuputakti ka na ng mga taong may ayaw sayo."
Hindi ako sumagot. Aminado naman ako na may pagkakamali nga ako sa parteng iyon na isang lingo akong nagbakasiyon samantalang sila ay nandito't nagtatrabaho.
"Kakaiba din ang lakas ng loob mo na manatili kay Yron kahit tinataboy ka na ng pamilya niya 'no?" Isa sa mga kaibigan ni Rochel.
"Akala mo siguro ay nakaka-angat ka na sa amin, Phaedra, porket kayo ni Sir Yron. Tandaan mo trial card ka lang, bibitawan ka din niyan. Mas pipiliin niya ang pamilya niya kaisa sayo, at sa huli sila ni Ma'am Suzie ang magkakatuluyan---"
"Mahal ako ni Yron." Mariin kong saad nang sa ganon ay tumigil na sila.
Imbis na seryosohin ang sinabi ko ay tumawa pa sila. Dumapo ang tingin ko sa ilan na nakikinig, magising sila ay natawa at napa-iling. Mapa matanda man ay tinawanan lang ako.
"Gaga!"
Napasinghap ako nang mahinang sampalin ni Rochel ang pisngi ko.
"H-huwag mo kong saktan!"
"Tapang ka? Tapang ka?"
Napa-atras ako sa may locker nang mas lumapit sila sakin.
"Hindi ako nakikipag-away. Ayaw ko ding manakit ng iba. Kumpara sakin marami kayo, Rochel."
Tumaas ang mga kilay nila. Akala siguro nila ay madali akong matakot. Oo at mas pinipili ko na umiwas sa gulo pero hindi naman ako pinalaki na dapat apak-apakan.
"Bakit? Susumbong ka kay Sir Yron?"
"Kailanman ay hindi ako nagsumbong sakanya."
Ngumisi lang sila. Hinawakan ng isa ang braso ko pero kaagad kong inalis ang kamay niya. Napasinghap siya sa ginawa ko pero hindi ko hinayaan na dumapo pa ang mga kamay nila sakin.
"Habang kami nagtatrabaho dito ay buhay pasarap ka lang."
Hindi ako nakasagot dahil aminado ako doon. Pero babawi naman ako at magsisipag!
"Kala mo kung sino... ah, bakit sino ka ba?"
"Hindi poket maayos ang buhay mo ngayon, habang buhay ka ng ganyan. Tandaan mo, Phaedra, vilog ang mundo. Ngayon nasayo si Sir Yron pero bukas makalawa, iiwan ka din niya. Babalik siya kay Ma'am Suzie."
"Ako ang mahal niya---"
"Tanga! Ginagamit ka niya para maghiganti. Juares ka siya naman Guillieaes mas bagay kay Ma'am Suzie na anak ni Ma'am Lou Olliveros-Smith. Naiintindihan mo?"
Hindi ako sumagot. Sarado ang mga isip nila, kahit anong paliwanag ko kanilang opinyon parin ang mas papanigan at paniniwalaan nila. Uulit-ulit lang, mas lalo lamang silang magagalit kapag inulit-ulit ko din na mahal ako ni Yron.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...