Chapter 1.
Mabait nga talaga ang Diyos. Napaka suwerte ko't may taong busilak ang puso na tumulong sakin kahit hindi pa naman niya ako tuluyang kilala.
Tulad ng sinabi ni Sir Vlair sinabi ko lang ang pangalan na Yron Guillieaes ay kaagad na akong sinamahan ng isang staff ng hotel sa isang kwarto.
"Ma'am, sigurado po ba kayong wala na talaga akong babayaran dito?"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang natanong 'yon. Natatakot kasi ako na bukas pagka-gising ko ay pagbayarin nila ako ng malaking halata. Wala akong pera na sobrang dami.
"Opo. Bayad na po."
Umalis na din siya pagkatapos. Ilang minuto lang ay dinig ko ang pagtunog ng door bell. Binuksan ko iyon at isang babae ang nabungaran ko.
"Your dinner, Ma'am."
Kaagad nanlaki ang mata ko sa gulat saka umiling.
"Hala, Ma'am. Hindi po ako um-order! Wala po akong pambayad---"
"Bayad na po. Pina deliver po ni Sir sa room niyo." Nginitian ako ni Ate.
"Si Sir Vlair po?"
"Hindi po, pinsan niya po." Tinulak niya na papasok ang isang cart. "Ibaba ko nalang po dito. Kung may problema po kayo tumawag lang po kayo sa receptionist sa baba. You can use the telephone beside your bed."
Wala sa sariling napatango ako sabay sulyap sa mga pagkain na nailagay na ni Ate sa lamesa.
"Enjoy your stay here in our hotel."
Hangang sa makalabas ang staff ay tulala parin ako sa lahat nang nangyayari.
Hindi si Sir Vlair ang may gawa nito kung hindi ang pinsan niya. Kung hindi ako mali, iyon yung kasama niya kanina sa sasakyan.
Wala naman akong maalalang ginawa kaya hindi ko lubos maintindihan kung bakit sobra-sobra ang pagtulong nila sakin ngayon. Sinubukan kong alalahanin ang mga panahon na nasa probinsiya pa ako. Baka nagawi na sila doon at nagkataong natulungan ko sila... pero wala akong matandaan.
Busog na ako bago pa ako pumunta dito sa hotel pero nakakapanghinayang naman kung hindi ko kakainin etong inorder sakin ni Sir. Mukhang mahal, nakakahiyang magsayang.
Umupo ako sa mamahaling upuan saka sinimulang kainin ang nasa hapag. Halos masuka-suka na ako sa busog nang matapos.
Hindi ko alam kung paano ipapakuha ang kalat kaya tumawag nalang ako sa baba at nagpa-assist. Mukha akong ignorante pero ayos lang, totoo naman at hindi ko 'yon kinakaila. Hindi ako maalam sa ganitong bagay dahil hindi pa naman ako nakakapag-hotel bago 'to.
Nang nasa loob na ako ng room ay maingat ako sa mga bagay na mahawakan. Nakakatakot dahil baka makasira ako at ipabayad sakin. Kaya kahit gusto kong subukan 'yong jacuzzi sa banyo ay nagtiis nalang ako sa shower dahil baka kung may masira.
Para akong timang na nagpapagulong-gulong sa kama. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa inaakto ko ngayon. Kala ko kasi ay sa bangketa ako matutulog, buti at pinalad ako't natulungan ako ng isang Good Samaritan.
Kaya nang magising ako kinabukasan ay tanghali na dahil sa sarap ng tulog ko sa malambot na kama. Dali-dali akong naligo saka linisan na ang hotel.
Hindi ko alam ang papunta sa binigay na card ni Sir Vlair kaya nagtanong-tanong pa ako, namamangha ako sa tuwing alam ng tao ang lugar. Mukhang kilala at sikat.
Tanghali na nang makarating ako sa harap ng building. Eto ang gusali na nakita ko kahapon! Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha, tadhana nga naman.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...