Chapter 33

1.7K 40 5
                                    

Chapter 33.

Binagsak ni Yron ang bag ko sa kama nang makapasok na kami sa kwarto.

Buong byahe ay tahimik siya pero ngayon sigurado akong hindi na siya magpipigil ng galit niya. Alam ko namang hindi maganda ang ginawa kong biglaang pag-alis nang walang paalam.

"Why are you crying?" Mariin niyang tanong. "What makes you cry, uh?"

Hindi ako sumagot. Kinusot ko ang mga mata ko, ayaw kong umiyak sa harap niya pero sa ilang araw kong pinipigilang umiyak ngayong nasa harap ko na siya eto't tuloy-tuloy sa pagbuhas ang mga naipon na sakit at sama ng loob.

"Was fetching you at your friend's house hurts you that much?" Nangangalaiti niyang tanong.

"Huwag mo akong awayin!" Sigaw ko dahil kahit ako naman ang umalis ay nasasaktan parin ako.

"So you want me to fucking calm down pagkatapos ng ilang araw kang wala dito?!"

"Huwag mo akong sigawan!"

Nahilamos ni Yron ang kanyang kamay sakanyang mukha, sobra-sobra ang pagtitimpi niya para huwag akong tuluyang awayin.

"I asked Vlair to come to my place so he can check if you were okay." Pigil ang galit niyang saad. "And, when he arrived in our place you were not here, hindi ka din pumapasok sa trabaho. I was damn worried about your whereabouts, Phaedra."

Pinunasan ko ang sarili kong luha. Nang lapitan niya ako ay mabilis akong humakbang palayo. Ayaw kong hawakan niya ako, alam kong sa oras na hayaan ko ang puso kong sundin ang gusto nito mananatili ako sa tabi niya.

"Maayos ang kalagayan ko---huwag mo kong hawakan---kasama si Gail, hindi mo naman responsibilidad na isipin ako parati."

Mas nangunot ang noo niya nang makitang hindi ko talaga siya binibigyan ng pagkakataon na hawakan ako.

"May sarili akong buhay, m-matanda na ako, kaya ko na ang sarili ko dahil hindi ako tanga---sabing huwag mo kong hawakan!" Sigaw ko nang sumubok na naman siya.

"What's wrong with you?" Taka niyang tanong.

"D-desisyon kong umalis mag-isa, respetuhin mo 'yon."

Hilaw na ngumisi si Yron at hindi makapaniwalang napa-iling. Ang bughaw niyang mga mata na tila repleksiyon ng maalon na dagat ay bumabagsak sakin, ang galit niya ay tila alon na humahampas ng marahas sa dalampasigan.

"Kaya ako umalis dahil ayaw ko na dito---"

"Nagkakaganito ka ba ngayon dahil hindi ako nakatawag ng isang araw sayo? Was that your reason, Phaedra?"

Mas naiyak pa yata ako sa tanong niya. Hindi ako ganon kababaw mag-isip, lahat ng pag-intindi ay gagawin ko para maayos ang relasiyon namin pero iba ang sitwasiyon namin ngayon.

"Hindi lang 'yon!" Tangi ko nalang tugon.

Mas magandang isipin niya na kaya ako umalis ay dahil sa sarili kong desisyon, kaya kong tiisin ang galit niya.

"Did you saw the pictures?" Mariin niyang tanong.

Alam kong ang mga litrato na kasama si Ma'am Suzie ang tinutukoy niya, oo at nakita ko pero hindi naman din iyon ang rason ko kung bakit ako umalis.

"Oo..."

Sumikip ang dibdib ko habang iniisip na sa oras na maghiwalay na kami nang tuluyan malaya na si Ma'am Suzie na umaligid kay Yron. Mangyayari na ang gusto niyang mangyari, magiging panatag na ang loob nila Ma'am Hurt.

"I told you, I came there for pure business! Sumunod si Suzie pero hindi kami magkasama sa loob ng isang lingo, isang beses lang at 'yon nang makipag meeting ako sa Papa niya. Those pictures were nothing, hindi ko na sinabi sayo dahil wala lang ang bagay na 'yon."

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon