Chapter 26

1.6K 36 3
                                    

Chapter 26.

"Yron."

Nakangising hinalikan niya ako sa labi.

"My poor, baby..." May pang-aasar sa tono niya.

Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa nangyari sa amin kagabi na umabot hangang madaling araw. Nananakit ng husto ang buong katawan ko lalo na ang aking pagkababae, likod at balakang.

Kanina niya pa ako inaasar simula nang makababa kami sa eroplano. Nasa Maynila palang kami ay panay na ang tawag ko sakanya sa tuwing bumibilis ang lakad niya.

"H-huwag na huwag mo ng gagawin sakin ang ganon." Bulong ko.

Sinabi ko na gusto ko, oo, pero nakakapagsisi pala pagkatapos. Masakit kasi talaga. Ni hindi ako napahinga, wala siyang kasawaan. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon.

"I can't promise that. You rejected my last night so..."

Kinurot ko ang tagiliran niya, para siyang halimaw na nakawala sakanyang kulungan kagabi at kaninang madaling araw.

Nasa Siargao kami ngayon, dito niya ako dinala. Akala ko ay sa malapit lang sa Maynila, huli na nang malaman ko na balak niya pala dito.

Suot niya ang regalo ko, gusto kong matawa dahil napaka pormal niyang tignan samantalang ako ay simpleng dress na bumabagay naman sa lugar. May dalawang tumulong sa mga gamit namin kanina para ipasok sa villa.

Nakagawa na naman siya ng paraan para mabilhan ako ng gamit. Masyado siyang seloso pero dahil gusto niya daw mag beach halos yata ng pinabili niya para sakin ay bikini at summer dresses. Hindi ko maintindihan ang kulo ng isip niya.

Wala akong ideya sa mangyayari dito sa isla dahil hindi naman ako sanay na mag travel. Maynila at ang probinsiya lang ang alam ko.

"We both enjoyed it."

"Nagkapasa ako sa tagiliran at binti!"

Lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya.

"I'm sorry about that." Malambing niyang turan.

"Hmp!"

Hinalik-halikan niya ako sa leeg hangang sa aking balikat, naglalambing. Ganito naman siya maglambing, pisikal.

"Ang dali mong mamasa." Pansin niya.

Tumango ako. "Malapit na siguro ang buwanang dalaw ko."

Umungol si Yron saka siniksik ang ulo sa aking leeg. Alam niya na sa oras na magkaroon ako ay walang mangyayari sa amin. Mga isang lingo din 'yon.

"Medyo masakit at mabigat na din ang dibdib ko kaninang pagkagising. Feeling ko malapit na talaga."

"Damn. I shot all my loads inside you last night---"

Hinampas ko siya sa braso. Kung hindi niya lang kaarawan ay baka inaway ko na siya sa ginawa niyang 'yon.

"Isa pa 'yon. Ang kulit mo! Hindi pa ako pwedeng mabuntis, kaya simula ngayon no condom no entry na."

Sana lang ay datnan na ako nang sa ganon ay hindi ako mabuntis. Kinakabahan ako dahil sa katigasan ng ulo ni Yron.

Sumama ang tingin niya sakin pero kumbinsido na ako sa gusto kong mangyari. Ayaw kong magbuntis nang hindi kami ayos sa pamilya niya, ayaw ko din isipin nila na masyado akong desperado at pati bata ay dinamay namin para lang matangap nila ako.

"Well, I bought tons of condoms." Ngumisi-ngisi siya nang makabawi.

Napanguso ako. Humiwalay sakin si Yron saka linapitan ang isa naming bagahe, nang buksan niya ay sandamakmak nga na condom ang dinala niya.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon