Chapter 13.
Lutang ako hangang sa hayaan na ako ni Yron na maka-alis sa silid niya nang gabing 'yon. Hindi ako makapaniwala na ganon lang kadali sakanya na halikan at hawakan ako, kaya kahit nasa trabaho na ay kadalasang wala ako sa sarili.
Naaalala ko parin ang lambot at init ng labi't dila niya. Kakaiba ang klase ng paghalik niya sakin, ibang-iba sa kissing scenes na pinapanuod namin noon si Genda sa mga palabas sa TV. Hindi ko inaakala na may hahalik sakin sa ganong paraan na pinaranas ni Yron.
Nahihiya ako sa tuwing naiisip ko na nagpaubaya ako sa sarap, pakiramdam ko ay sobrang landi ko dahil sa nangyari. Ang dapat ko lang halikan ay ang magiging boyfriend ko, dapat ipapahawak ko lang ang maseselang parte ng katawan ko sa magiging asawa ko... hindi kay Yron na binasted ko.
Daretso ako sa cafeteria nang mag lunch break, mag-isa akong kumakain sa lamesa nang mahagip ng tingin ko si Yron na lihim akong sinusulyapan. Kaagad akong nag-iwas ng tingin saka bahagyang yumuko.
Kaninang umaga ay hindi ko siya kinikibo, halos manlambot ako sa tuwing lalapit siya sakin kanina.
Binilisan ko ang pagkain saka na umalis nang matapos. Hindi maganda itong nangyayari sa akin ngayon, alam kong kakaiba na ang nararamdaman ko kaya natatakot ako sa pwede pang mangyari sa mga susunod na araw.
"Hindi ka pwedeng magkagusto sakanya, Phaedra." Bulong ko habang mabilis na naglalakad papunta sa elevator.
Wala ako sa sarili kaya huli na nang mapagtanto ko kung sino ang kasama ko sa loob ng elevator.
"Ate Phaedra!" Nakangiting bati sakin ni Hailey.
Sa likod niya ay si Ma'am Suzie na balak ko sanang kausapin at isa pang babae na maikli ang buhok.
Napalunok ako sa kaba dahil sa mapangkutyang tingin ni Ma'am Suzie. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa ba siyang kausapin gayung lininaw na naman na ni Yron ang totoo sa pagitan nila.
"H-Hello." Bahagya kong nginitian si Hailey.
"Who is she?" Tanong ng magandang babaeng maikli ang buhok.
"She's my Kuya's friend."
Ngumisi ang kaibigan ni Hailey saka nakangiting naglahad ng kamay sakin.
"Hi! I'm Chevy Paluete."
Nahihiya kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Mukha siyang mabait at kagaya kong palangiti.
"Phaedra po, Ma'am."
"You're so beautiful. Are you single?"
"P-po?" Medyo nagulat ako sa tanong ni Ma'am Chevy. "Opo." Kaagad kong agap.
"Gay? Bi? Straight?"
Medyo nalito pa ako sa sinambit niya pero kalaunan ay naintindihan ko din.
"Straight po ako, Ma'am." Nginitian ko siya.
Kita ko na nawala ang ngiti sa labi niya saka tamad na tumango at humalukipkip nalang dahil sa sinabi ko. Natawa si Hailey habang seryoso parin si Ma'am Suzie na nakatingin sakin lalo na sa parte ng aking leeg.
Pasimple kong hinarang ang mahaba kong buhok sa markang iniwan ni Yron kagabi, kanina ko pa ito problema. Natatakot ako na baka may makapansin lalo na pa't maputi ako. Wala akong make-up kaya hindi ko matakpan-takpan.
Malaki ang posibilidad na mapansin ng iba na may marka ako ng halik sa leeg.
Tumahimik nalang ako at hindi na nakisama pa sa pag-uusap nila.
Nang huminto ang elevator sa palapag kung saan ang headquarter namin ay binalingan ko sila.
"Una na ako, Hailey." Bahagya akong ngumiti, sinulyapan ko si Ma'am Chevy at Ma'am Suzie, marahan ko silang tinanguan bilang respeto saka na lumabas ng elevator.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...