Chapter 15.
Nang oras na aminin ni Yron na gusto niya ako ay nakaramdaman ako ng saya ngunit sa likod non ay takot at pangamba.
Nang balakin ko kasi na makipag sapalaran dito sa Maynila hindi pumasok sa isip ko na malalagay ako sa ganitong sitwasiyon, na may magkakagusto saking lalaki na sobrang yaman at sobrang gwapo.
Simple lang ako, hindi ko inaakala na darating ako sa punto na isang Yron Guillieaes ang aamin na mahal niya ako.
Sa totoo lang ay wala akong ideya sa pakiramdam ng magmahal, basta ang alam ko espesyal itong emosiyon na nararamdaman ng isang tao.
Nakakatakot dahil madami akong naririnig noon na minsan ang pagmamahal ay siya pang nagiging dahilan ng pagkasira ng isang tao. Masarap at masaya ngunit masakit at mahirap.
Lalo na pa't sa sitwasiyon ko na hindi basta-basta lalaki lamang ang may gusto sakin. Guillieaes siya, mayaman. Malayo, masyadong matayog abutin para sa katulad kong kapos palad.
Hindi maalis sa isip ko na baka kamuhian ako ng iba dahil iisipin nila na may masama akong intensiyon.
May agam-agam akong nararamdaman pero masyadong makulit ang puso ko para isipin pa 'yon.
"Fucking hell..." Iyon ang huli kong naaalalang sinambit ni Yron nang maka-uwi kami ng dis oras ng gabi sa penthouse niya.
Pagkatapos kasi niyang umamin sa Tagaytay ay hindi na ako kumibo. Tinapos nalang namin ang pagkain bago umuwi.
Tanda ko pa kung paano mamula ang tenga ni Yron nang pasara ko na ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko siya sinagot at kinibo. Malamang sa malamang kung ano-ano ng inisip niya sa gabing 'yon, pero hinayaan ko nalang.
Kinabukasan ay pinilit kong maging kaswal, mukhang ayos na din naman si Yron at tila wala lang ang nangyari kagabi dahil panay ngiti niya sakin.
Ngiting ako lang ang madalas makasaksi. Mailap siya sa iba, hindi ko pa siya kailanman nakitang ngumiti sa harap ng ibang tao bukod sa pamilya niya. Napaka suplado kasi talaga.
"Usap-usapan na may nakakita daw na kasamang babae si Sir Yron kahapon."
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ang maingay na usapan ng apat na babae.
Tumikhim ako saka nagpatuloy sa pag mo-mop habang pasimpleng pinakikingan ang usapan nila.
"I saw the pictures, but they were blurry. I wasn't able to see the girl's face."
Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko alam na may litratong lumabas! Wala akong ideya sa ganon dahil wala akong cellphone na maayos.
"Baka naman kaibigan lang. You know Sir Yron he's known for being a playboy. Like Cindy and Ivy, those two who he bedded na nag iskandalo dito? If hindi niya kaibigan 'yon baka kagaya lang nila Cindy."
Parang may nagbara sa lalamunan ko habang patagal nang patagal ang pakikinig sa usapan nila.
Sino si Cindy at Ivy? Bakit nakipag talik si Yron sakanila?
Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa iniisip. Bumalik ako sa area namin na inaalala parin ang usapan ng mga empleyado ni Yron kanina.
May pait akong nararamdaman habang iniisip ang mga ginagawa niya kasama ang ibang babae noon. Nakakapanliit ng sobra.
Alam ko namang ako nalang ang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon at dapat ay huwag ko ng balikan ang nakaraan pero hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pait.
Hindi ako bayolenteng tao, mahaba naman ang pasensiya ko kaya ewan ko ba't nagkakaganito ako ngayon.
Nang mag break time ay pumunta na ako sa opisina ni Yron. Ni hindi ko nabati ang dalawa niyang sekretarya, basta dare-daretso lang ang pasok ko.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...