Chapter 34.
Marahang hinaplos ni Gail ang likod ko nang maka-uwi kami. Binisita namin si Ralph na nasa hospital parin hangang ngayon, ayos na siya pero puno parin siya ng sugat at pasa sa mukha.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari dahil ako naman ang dahilan kung bakit nangyari sakanya 'yon. Dapat inisip ko din na kakahiwalay palang namin ni Yron at malaki ang posibilidad na makita niya kami ni Ralph.
Kahit wala namang ibig sabihin ang ang kalambingan ni Ralph ay malaki parin ang apekto non kay Yron dahil seloso siya't iniwan ko pa siya.
Bumili lang kami ng lutong ulam sa may kanto kanina. Matapos kumain ay linock na namin ni Gail ang pinto, kausap ko sila Mama habang nanunuod ng TV ang kaibigan ko.
Nang matapos ay dinig namin ang ingay ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan kami ni Gail nang makitang nasa labas sila Yron at Thadeo.
Ako na ang tumayo at sinara ang mga bintana, ayaw kong makita si Yron matapos niyang saktan si Ralph ay natatakot na ako sakanya.
"Ako na ang bahalang magpa-alis sa magpinsan na 'to."
Dumareto ako sa sofa at sinubukang libangin ang sarili sa panunuod pero ang atensiyon ko ay nasa magpinsan na ilang araw na ring palaging pumupunta dito.
"Gail, please open the door."
"Hindi kita kakausapin, Thadeo, at wala ring balak harapin ka ni Phaedra, Yron." Saad ni Gail sa dalawang lalaking nasa labas. "Umuwi na nga kayo! Ang kukulit."
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang iniisip na kayang manakit ng tao ni Yron dahil lang sakin. Alam ko namang maalam siya sa pisikil na lakas o pakikipag buno pero hindi ko kailanman naisip na aabot siya sa punto na halos mapatay niya na ang katrabaho ko dahil lamang sa galit at selos niya.
"Phaedra, I know you can hear me, let's talk please."
Napayuko ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi.
Unang beses ko yatang magalit sakanya ng husto nang ganon dahil sa ginawa niya kay Ralph. Alam ko naman kasi na hindi naman talaga siya mabait sa ibang tao pero mali at sobra ang ginawa niya sa ka trabaho ko.
Pasalamat siya't hindi na nag sampa ng kaso ni Ralph. Alam kasi niya na kahihiwalay lang namin ni Yron, nang magising siya imbis na magalit ay natawa nalang siya nangyari.
"Mukha bang babae ang gusto ko?"
"S-sorry, Ralph..."
"Grabeng manuntok ang ex mo pero shit ang bango niya! Hindi ako sa unang suntok nawalan ng malay kung hindi sa mukha at amoy niya!"
Nagawa niya pang idala sa biro ang lahat kahit nahihirapan siya dahil sa tinamong sugat at pasa.
"Etong si Thadeo na 'to ayaw akong tigilan anong akala niya sa pepe ko gold?" Nakasimangot na umupo sa tabi ko si Gail.
"Ang kulit nila 'no?"
Tumango ang kaibigan ko. "Baka nasa lahi na nila 'yan."
Bumuntong hininga ako.
"Gail---"
"Tangina mo, Inueve, umalis ka na!"
Halos mapalayo ako nang malakas na sumigaw si Gail.
"Naiinis ako! Kapag nagsasawa sa mga babae niya ako ang pinupuntahan ng hayop."
Ilang oras silang naghihintay sa labas hangang sa biglang bumukas ang pintuan ng apartment, pareho kaming napasingap ni Gail nang makitang si Thadeo ang nag bukas gamit ang susi.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...