Chapter 19.
"Yron, anong ibig sabihin ni Ma'am Suzie?" Lito kong tanong pagka-uwi namin sa penthouse.
Seryoso niya akong tinignan saka umiling. Mukhang wala siyang balak sabihin sakin ang tungkol sa bagay na 'yon.
Sumunod ako papunta sa kusina.
"Malalaman ang ano?" Makulit kong tanong. "Ang alin, Yron?"
Gusto kong malaman ang sinasabi ni Ma'am Suzie, pilit kong iniisip kung may nagawa ba akong masama pero wala naman akong maalala na nakasakit ako sa iba para kaayawan ng mga magulang ni Yron.
Sa tono palang kasi ni Ma'am Suzie parang sinasabi niya na na hindi ako magugustuhan ng mga Guillieaes. Eh, Maayos na maayos ang pkikitungo nila sakin, pati nga ang pinsan ni Yron na si Vlair ay mabait sakin.
"Yron---"
"Baby, you trust me, right?"
Binaba niya ang mga pinamili namin saka ako linapitan. Kinagat ko ang labi ko saka tumango.
Pinagkakatiwalaan ko siya ng sobra dahil alam kong hindi magagawang mag sinungaling sakin ni Yron, simula naman nang magkakilala kami ay kailanman ay hindi siya nagsinungaling sakin.
"Sasabihin ko lahat kapag ayos na. Let me fix this for now..."
"Gusto kong malinawan kung patungkol saan 'yan. Nalilito ako..."
"Please, Phaedra." Paki-usap niya. "It's for your sake..."
Nag-iwas ako ng tingin saka sukong tumango. Wala naman akong magagawa kung hindi nalang sumang-ayon sakanya lalo na't sinasabi niya na para din sakin. Pero sa likod nang pagtango ko ang kagustuhan talagang malaman ang ibig sabihin ni Ma'am Suzie.
"Forget what Suzie said, she won't harm you in any possible way. Hindi ako papayag na may gawin silang masama sayo."
Pinatakan ako ng mabilis na halik sa pisngi ni Yron bilang pagtatapos ng usapan naming 'yon.
Imbis na tuloy maging masaya kami ngayon dahil kami na nawala ako sa mood. Hindi ko magawang ngumiti man lang dahil kinakain ako ng agam-agam.
"Sasabihin mo naman sakin 'diba?" Muli kong tanong nang papa-akyat na kami ni Yron sa second floor.
"I will. But this is not the right time."
Tumango ako saka hinawakan na ang kamay niya. Dahil magka-tapat lang naman ang kwarto namin ni Yron ay hindi niya na pa ako kailangang ihatid pa, sabay nalang kami bali papasok sa kwarto.
"Where's my goodnight kiss?" Tanong niya.
Balak ko nalang pumasok basta, hindi ko alam na kailangan ang bagay na 'yon, hindi naman kasi ako sanay sa ganito.
"Your boyfriend wants a kiss from you."
Sinubukan kong tumingkayad pero dahil masyado matangakad si Yron ay kinailangan niya pang yumuko saka sinalubong ang aking labi.
Balak ko ay mabilis lang pero hindi nakuntento doon si Yron, pinasok niya ang dila niya sa aking bibig saka mas pinailaliman ang halikan. Ilang minuto din ang tinagal non bago siya huminto. Habol ko ang aking hininga habang manghang nakatingin sakanya.
"I love you." Malambing niya saad saka mabilis na hinalikan uli ang nakaawang kong labi.
"M-Mahal din kita."
Matamis siyang ngumiti saka ulit ako siniil ng halik.
"Cheer up, I don't want to see you being sad."
Tumago ako saka bahagyang ngumiti. Muling yumuko si Yron para halikan na naman ako. Halos habulin ko pa nga ang labi niya nang lumayo siya. Alam kong nakakahiya pero kunwari ay wala lang 'yon sakin. Mahinang natawa si Yron.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...