Epilogue.
Nagising ako dahil sa maba-babaw na halik ni Yron sa hubad kong likuran, kaagad ko siyang nginitian nang balingan ko siya ng tingin. Napaka gwapo talaga niya, hindi nakakasawang titigan at pagmasdan araw-araw.
"Good morning, baby." Malambing niyang bati saka yumuko para halikan ako sa noo.
Unti-unti akong bumangon saka hinila ang kumot para matabunan ang hubad kong katawan, kaagad kong sinipat ang maliit na kama na nasa tabi lang din ng amin.
"Napalitan ko na ng diaper, he fell asleep again."
Yumakap sakin si Yron saka ako hinalik-halikan sa gilid ng aking leeg pababa sa aking balikat. Ganito siya palagi tuwing umaga, hindi lilipas ang isang araw na hindi siya maglalambing sakin.
"Maglilinis lang ako ng katawan at ipagluluto na kita ng almusal."
"I already cooked our breakfast."
Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng malaki naming kwarto dito sa bahay namin sa GLand, maaga pa pala pero nakapagluto na siya. Oras na kaming natulog kagabi pero maaga parin siyang bumangon.
"Bakit ang aga mo namang bumangon?"
"Yvram was cryinga awhile ago..."
Mabilis kong hinarap si Yron saka pinatakan ng halik sa labi bago bumaba sa kama ng hubo't-hubad.
Dalawang taon na kaming kasal at isang taon na ang anak namin na si Yvram, tulad nang gusto kong pangalan noon ay ang siyang nasunod. Focus kami ni Yron sa nag-iisa naming anak ngayon at wala pa kaming balak sundan siya.
Mag-aaral din kasi muna ako sa darating na pasukan. Tutuparin ko na ang pangarap kong maging CPA. Suportado naman ako ng asawa ko, sa katunayan ay siya ang kasama kong nag apply sa iskuwelahang gusto kong pasukan.
Kaya nga ngayon sinusulit ko ang mga araw na hindi pa ako abala sa pag-aaral, hanga't maaari ay pinagsisilbihan ko ang aking mag-ama. Normal na house wife lang ako dahil gusto namin ni Yron na matutukan si Yvram, pero madalas parin kaming sumama ng anak niya sa kumpanya.
Sa loob ng dalawang taon bilang asawa ni Yron ay tila nasa isa akong napakagandang panaginip. Noong nag isang taon gulang si Yvram ay sinabay din namin ang church wedding namin, napaka engrande ng kasal namin at lahat ng kaibigan ko sa probinsiya ay dumalo. Lahat ay masaya para sakin, kahit dalawang beses na kaming ikinasal ni Yron kakaiba parin pala na sa mismong simbahan kami nanumpa.
Habang naglilinis ng mukha ay rinig ko ang pag-iyak ni Yvram, paniguradong buhat na siya ngayon ng Papa niya.
Nag madali na akong nag-ayos at lumabas na ako saka kinuha ang umiiyak kong anak sa Papa niya.
"He's hungry."
Marahan kong sinayaw-sayaw si Yvram bago umupo sa kama. Medyo matimbang siya at maligalig kaya inaalis ko palang ang bra ko ay pilit na siyang pumapasok sa loob ng aking suot na t-shirt.
"Be a nice boy." Kausap ni Yron sa anak namin.
Saka lang natahimik si Yvram nang makadede na siya. Isang taon na siya pero mas gusto niya parin ang gatas ko kaisa sa mamahaling gatas na binibili ng Papa niya.
"Ang takaw talaga." Mahina akong natawa nang makita kung paano mamula ang pisngi niya.
Nakatingin siya sa Papa niya habang dumedede. Sinulyapan ko si Yron na nakanguso.
"What a lucky baby." Rinig kong bulong niya habang nakatanaw sa dibdib ko.
Nawala ang ngiti ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Pilyo siyang yumuko saka sinipsip din ang kabilang kong dibdib.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
Lãng mạnMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...