Chapter 36.
"A-anong nangyari sa buhok mo?" Gulat na tanong ni Gail.
Nauna siyang umuwi kanina samantalang ako naman ay dumaretso sa maliit na salon na nakita ko. Binenta ko ang buhok ko nang sa ganon ay magka pera.
"Jusko, Phaedra, anong ginawa mo sa buhok mo?!"
Nagkibit balikat lamang ako.
Ang mahaba kong buhok noon ay hangang batok ko nalang, kita ko na hindi maayos ang pagkaka gupit. Kasi naman kung ipapa-ayos ko pa ay panibagong bayad o kaya naman ay bawasan pa nila ang perang binigay sakin kanina.
"Dito ka muna sa may sala ayusin natin."
Gamit ang isang gunting ay pinagtiyagahan talagang ipantay ni Gail.
Malungkot akong napangiti nang makitang sobrang liit nga pero bagay naman sakin, hindi lang talaga ako sanay na maliit ang buhok ko.
"Anong trip mong babaita ka?"
"Binenta ko kasi para may dagdag pera."
Nakuha ko na ang ipinadala ni Mama kanina pero wala akong balak gastusin iyon, hindi pa ako natatangal sa trabaho kaya wala pa akong balak umuwi.
Malungkot akong tinignan ni Gail. Ayaw kong kaawaan ako ng kaibigan ko, marahan kong hinawakan ang kamay niya bago magpa-alam na papasok na sa kwarto dahil nakakasigurado ako na darating si Thadeo na kasama si Yron.
Kahit na nagkamali ako sa akala na si Ma'am Hurt ang nanggipit sa amin at hindi niya kami nagawang protektahan ay hindi parin nababago non ang desisyon ko.
Kakalimutan ko sila, kakalimutan ko siya, ibabaon ko ang pagmamahal ko sakanya. Sila ang dahilan kung bakit kami naghihirap. Ngayon ko napapagtanto ang mga bagay-bagay, ang dahilan kung bakit walang iskuwelahan noon na tumatangap sakin, kung bakit hirap akong mamasukan sa may bayan... ang mga Guillieaes ang may kagagawan.
Napuno na ako sa galit puso. Hindi ko kayang makisama sa lalaki na ang dahilan kung bakit hindi namin napagamot si Mama ay ang pamilya niya. Hangang ngayong nanghihina na siya ay dala niya parin ang sama ng loob sa mga Guillieaes.
"Kumain na ba siya?"
Napapikit ako ng mariin nang marinig ang boses ni Yron sa labas.
"Oo, sabay kaming kumain sa pagkatapos ng trabaho namin kanina. Hindi narin naman siya linalagnat."
"What about her vitamins?"
"Yun lang... wala siyang iniinom o kinakain sa mga dinala mo. Malabo din na tangapin niya yang bitbit mo ngayon."
Sa oras na pumasok siya sa kwarto ko ako ang aalis.
Naninikip ang puso ko sa mga nangyayari, ayaw kong isabay ang problema namin sa mga iniisip ko sa probinsiya.
Isang oras ang tinagal ni Yron hangang sa narinig kong nagpa-alam na siya.
Sa mga panahon na ito hindi ko iniisip na nasasaktan siya dahil sobra-sobra ang sama ng loob na nararamdaman ko sa pamilya niya. Masyado akong apektado, sobrang nagdudusa ang pamilya ko.
Natatakot akong matulog dahil iniisip ko na malaki ang tiyansa na makatangap nalang ako ng tawag na wala na ang Mama ko kinabukasan. Pinanghihinaan ako ng loob pero alang-alang sa kapatid ko nalang na si Zia pinipilit kong maging matatag.
"|Ate please umuwi ka na.|" Paki-usap ni Zia nang magka-usap kami nitong umaga.
Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kabilang linya na umiyak.
"|Palagi kang hinahanap ni Mama. Mas maganda siguro kung sama-sama na tayo dito, 'te.|"
"H-hintayin ko lang makuha ko ang sahod ko ulit para meron akong konting dala diyan. U-uuwi ako bago matapos ang buwan na ito."
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...