Chapter 14

1.8K 44 6
                                    

Chapter 14.

Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi ko habang nakaharap sa salamin.

Biyernes na ngayon, eto ang araw kung kailan kami mag de-date ni Yron. Napaka-aga kong nagising para mag-ayos kahit sa totoo lang ay wala naman akong aayusin pa sa mukha ko.

Kanina ko pa sinisipat ang itsura ko sa salamin at halos mapa-ungol ako sa asar dahil hindi ako mapakali sa mangyayari sa araw na ito.

Alam kong normal na date lang naman ang gagawin namin pero eto ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ganito! Oo nga at medyo madalas kaming kumain sa labas ni Yron pero hindi ko naman masasabing date 'yon dahil hindi niya naman ako inaaya noon, nagkakataon lang talaga.

Pinulot ko mula sa vanity table ang foundation at concealer, sinubukan kong mag a-apply ng konti pero sa huli ay ganon pa din naman ang itsura ko. Kinagat-kagat ko ang aking labi nang sa ganon ay mas mamula.

Tanging itim na pantalon at pink t-shirt ang suot ko, hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok. Simple lang, wala naman akong dalang bistida na pwudeng suotin. Hindi ko kasi naisip na dito ako sa Maynila makikipag-date. Buong buhay ko akala ko sa probinsiya ako magkaka boyfriend.

Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang sunod-sunod na katok ni Yron sa labas. Dali-dali akong naglakad papunta sa pintuan saka iyon binuksan, agad kaming nagkatinginan.

"Good morning, you look wonderful today." Nakangiti niyang bate habang titig na titig sakin.

Napanguso ako saka pilit kinakalma ang sarili, ayaw kong ngumiti dahil baka isipin niya ay kinikilig ako. Nakakahiya kapag nangyari 'yon.

"Let's go?"

Tumango ako.

Iminuwestra niya ang kamay niya na mauna ako kaya iyon ang ginawa ko. Nakasunod lang sakin si Yron hangang makarating kami sa parking area, siya din ang nagbukas ng pintuan ng kotse para sakin.

"Let's have our breakfast first. We'll have a very long day today." Sambit ni Yron nang makapasok narin sa kotse.

Siya ang naglagay ng seatbelt ko tapos ang kanya bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

"Saan ba tayo ngayon?" Pinilit kong maging pormal.

"We'll have a date around the City. I've done my research, we should eat a lot and watch movie. I am new to this but I'll try my best to make this date wonderful."

Mabilis niya akong binalingan ng tingin saka kinindatan, maagap akong nag-iwas ng tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawang 'yon ni Yron, kumibot din ang aking labi kaya wala sa sariling kinagat ko ito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Yron kalaunan.

Tumikhim ako saka tumango. "A-ayos lang naman."

"How's your sleep? Was it good?" Malambing niyang tanong

"Oo." Alanganin akong ngumiti.

Hindi ako halos nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa araw na ito. Kahit uminom ako ng tatlong gatas ay hirap parin akong nakatulog.

"You look tensed. Just relax, Phaedra." Sambit ni Yron nang mapansin na medyo tensiyonado nga ako.

Suko akong bumuntong hininga saka sumandal sa kinau-upuan. Tama siya, kailangan kong mag-relax kahit nakaka-nerbiyos ang nangyayari ngayon.

"Kabado talaga ako sa totoo lang, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi kakaisip sa date natin, Yron." Pag-aamin ko na.

Bumagal ang pagpapatakbo ng sasakyan niya saka ngiti-ngiting sinulyapan ako.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon