Chapter 10

1.7K 51 13
                                    

Chapter 10.

Dinala ko muna si Yron sa may kusina para naman makakain sana siya ang kaso sobrang lasing siya kaya sa tingin ko ay hindi na niya makakain ang hinanda ko.

Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sakin, lalo na sa katawan ko, para niya akong hinuhubaran kaya hindi ko maiwasang hindi mailang.

Gusto kong balikan ang tuwalya na naiwan kanina pero natatakot ako na baka anong gawin ni Yron, masyado siyang lasing at baka kung ano-ano ang gagawin niya sa oras na maalis ang paningin ko sakanya.

"Sinong kasama mo bang nag-inom?"

"Papa." Paos ang boses niya.

Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo saka dinilian ang tuyong labi habang nasa mga dibdib ko ang mata niya.

Linagay ko ang buhok ko sa harapan nang sa ganon ay maitago ang tinitignan niya.

"Bakit ka naglasing?"

Umungol siya saka supladong nag-iwas ng tingin. May binubulong siya pero hindi ko marinig kung ano.

"Ikaw lang ba ang nagmaneho sa kotse mo pauwi dito?---"

"Why do you asked?! You don't like me, right? Huwag ka dapat nag-aalala!"

Tumayo siya saka ako linapitan. Halos idiin ko ang sarili ko sa may counter nang kulungin niya ako sa pagitan ng mga braso niya.

"So what if I drove me car here all alone? Ano? Anong gagawin mo? Mag-aalala ka? Malamang hindi!"

Sinubukan kong itulak si Yron pero kahit lasing siya hindi siya nagpatinag. Dinala niya ang buhok ko sa aking likod dahilan para muling tumambad ang ilang litaw na parte ng dibdib ko.

"Y-Yron!" Suway ko sakanya nang pakatitigan niya ang mga 'yon.

"What?!" Iritable niya paring tanong.

"L-Lasing ka na. Bukas nalang tayo mag-usap."

Muli kong tinakpan ang dibdib ko sa mahaba kong buhok, akala ko ay hahakbang na palayo sakin si Yron pero nanatili ang galit at lasing niyang mga mata sa mukha ko.

"Bukas nalang tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing. I-Inaantok na ako---"

"How can you still sleep when you know that you broke my heart?" Ngumuso siya saka mas diniin sakin ang katawan niya.

Mas nailang ako lalo na't may naramdaman akong bukol sa tiyan ko.

"Heartless!" Sambit niya.

Ngayon ko palang nakitang malasing si Yron, at para pala siyang bata. Nakanguso siya habang masama ang tingin sakin. Namumula ang pisngi at tenga niya.

"T-Tara na umakyat na tayo---"

"Ang manhid mo!"

Nakagat ko ang aking labi. Ako ang dahilan kung bakit siya naglasing. Ako ang dahilan kung bakit napaka miserable niyang tignan ngayon.

"You heartlessly rejected me, tapos kasama mo pa ang janitor na 'yon kinabukasan! Why? What's wrong with me?!" Namumula ang mga mata niya.

Kulang nalang ay basagin niya ang baso sa gilid namin. Napalunok ako, natatakot ako sa maari niyang magawa ngayon.

"I may not look kind but I am kind too!" Bahagya niyang linayo sakin ang katawan saka inangat ang dalawang kamay. "I can be a sweet boyfriend! I am patient! I am successful! I have the looks and the body! I know how to please a woman! I am..."

Para siyang nagbibilang sa daliri habang sinasabi isa-isa ang mga katangian niya.

Napakurap-kurap ako habang pinapakingan siya dahil talagang inisa-isa niya ang katangian, mapa pisikal o ugali.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon