Chapter 44

3K 50 4
                                    

Chapter 44.

"Yron..."

Hinarap niya ako habang tanging tuwalya lamang na nasa kanyang bewang ang humaharang sa pribado niyang katawan.

"I know." Sagot niya.

Alam niya na kaagad kung anong tinutukoy ko. Lumapit siya saka umupo sa gilid ng kama.

Hindi kagaya niya, hindi pa ako nakakaligo dahil kagigising ko lang talaga. Pareho na kaming tinanghali pero siya ay nagawa nang maglinis ng katawan.

"I already called Terrence, you'll stop working in his hotel."

"Pero---"

"Pero ano na naman?"

"W-wala kaming ipagre-renta, ayaw ko namang mag depende lang sa pera namin na naka tabi sa bangko."

Tumaas ang kilay niya at ngumuso.

"Who said that you'll still stay in your apartment?"

"Uh? Pero---"

"You're engaged with me, hindi ako papayag na doon pa kayo ni Zia. You'll stay here again."

Kahit nananakit ang katawan ay naupo na ako, pinalupot ko ang makapal na puting kumot sa aking katawan. Hinawakan ni Yron ang maliit na parte ng kumot saka hinila ng bahagya upang masilip ang nakatabon. Tinapik ko ang kamay niya, tamad siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Ang parents mo paano?" May pag-aalinlangan tanong ko.

Kahit hindi pa ganon kagaan ang loob ko sakanila alam kong kailangan namin silang maka-usap lalo na ngayon na magpapakasal kami ni Yron. Kung hahayaan ko ang galit ang manatili sa puso ko ay baka hindi akong maging masaya sa huli.

"I called awhile ago in the house. Actually..." Dinilaan niya ang namumula niyang labi tila ba nag-iingat sa susunod na sasabihin. "... they are now preparing for a banquet, my whole family will be there and they want to... talk to you especially my Mama at Papa."

Umawang labi ko saka napakurap-kurap, hindi ko alam na ngayon din namin sila kikitain. Huli ko silang nakita noong libing.

"But if you are not yet ready I understand. Tatawag nalang ako na hindi tayo pupunta."

Lumunok ako saka umiling. "P-pumunta na tayo. Ayos lang..."

Tumango si Yron saka maingat na hinila ang bewang ko upang mas mapalapit sakanya. Napahawak ako sa kanyang dibdib, nakagat ko ang aking labi habang pinagmamasdan ang engagement ring sa daliri ko.

"Hindi ba masyado pa akong bata para ikasal?"

Inis siyang umungol saka kinuha ang kamay ko hinaplos niya ang singsing saka hinuli ang aking mailap na mata.

"Huwag mong sasabihing a-atras ka." Sinamaan niya ako ng tingin.

Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. "Hindi naman sa ganon pero kasi naisip ko lang na bente uno palang ako, tapos ikaw---"

"Twenty seven."

"Balak ko pang mag-aral kaya---"

"Papayagan naman kita. You'll take BS Accountacy as your course in college while we're married."

"S-so, hindi muna ako pwedeng mabuntis kung ganon."

Bumuntong hininga siya saka umiling.

"We're not sure about that. Pinutok ko lahat sa loob kagabi, Phaedra. There's a big possibility that you'll get pregnant."

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya, hindi niya man aminin alam kong balak niya iyong nangyari kagabi. Doon palang sa kalendaryo alam kong plinano niya kung kailan ako pwedeng mabuntis, ilang buwan kaming magka-relasiyon kaya alam niya kung kailan ako datnan.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon