Chapter 23.
Isa sa mga pangarap ng kagaya kong babae ay ang maiharap sa altar kasama ang lalaking makakasama niya sa pang habang buhay.
Nang alukin ako ni Yron nandoon ang kagustuhan kong sumagot ng 'oo', kaso iniisip ko na masyado pang maaga sa bagay na 'yon. Masyado pa akong bata upang ikasal.
Wala namang pagdududa na mahal ko siya at mahal niya ako, ang problema lang talaga ay ang panahon.
Anim na taon ang agwat naming dalawa ni Yron. Masasabi ko na pwede na siyang mag-asawa dahil may pera, pangalan at madami na siyang napatunayan, nasa tamang edad na din siya.
Hinihiling ko lang sana na kung ako talaga ang babaeng namamata niya para pakasalan, maghintay pa siya ng ilang taon.
Matapos akong alukin ni Yron ay naging maayos parin naman ang relasiyon namin. Medyo nabahala kasi ako nang sumapit ang hating gabi, sa mga palabas kasi kapag nangyayari ang ganon matik na naghihiwalay ang dalawang bida.
Kailangan ko na talagang tigilan ang kakakumpara sa palabas ang buhay ko. Minsan nagiging dahilan pa 'yon ng pagkakabahala ko.
Madalas kaming lumabas ni Yron sa mga lumipas na araw. Sa tuwing day-off ko ay buong araw kaming nasa condo sinusulit ang mga oras na walang trabaho.
Masaya ako sa kung anong meron sa amin. Kontento ako. Kapag kausap ko sila Mama ay hindi ko maiwasang hindi kiligin, maging sila Tiyang Ona at Zia ay kinikilig din.
Hindi na ako makapaghintay na maka-uwi sa probinsiya namin nang sa ganon ay maisama ko kahit ilang araw lang si Yron.
Gusto kong maging legal siya sa pamilya ko. Pinangako ko noon na ang una ko ng nobyo ang ihaharap kay Mama, at sisiguraduhin kong matutupad ko ang bagay na 'yon.
Isa pa, alam ko naman na gusto din siya ng pamilya ko. Ngayon pa nga lang ay panay na paalala si Mama na dalhin ko ang kasintahan ko sa oras na umuwi ako.
Nakatayo ako ngayon sa gilid ng upuan ni Yron dito sa opisina niya sa penthouse. Abala siya sa ginagawa gayunpaman ay pinagtutuunan niya parin ako ng pansin.
"Wala ba kayong balak nila Ma'am Hurt?"
Kanina ko pa siyang umaga tinatanong tungkol sa gagawin niya para sa kaarawan niya. Unang beses naming ise-celebrate 'yon at gusto ko sana ay kasama namin ang pamilya niya.
Nakakasiguro naman ako na alam na ng mga Guillieaes na kami na, lalo na ng mga pinsan niya. Hindi ko lang maiwasang magtaka kung minsan at bakit hindi niya pa ako pormal na pinapakilala sa mga magulang niya.
"I'll celebrate my birthday with you."
Hinapit niya ang bewang ko saka pinaupo sakanyang kandungan.
Kaagad nag-init ang aking katawan dahilan para mamula ang aking mukha sa kahihiyan. Sa madalas naming pagtatalik ni Yron masyado na akong nagiging sensitibo sa bawat paghawak at paghaplos niya sakin.
Hinahanap-hanap ko ang init. Gusto ko palaging nararamdam siya. Mahilig na din nga yata ako kagaya niya.
"I need a whole week of your time. No working." Ngumisi siya saka sinimulan na naman akong halikan sa leeg.
Naka tatlong beses na kami kaninang umaga pero hangang ngayon ay wala parin siyang kasawaan... uh, ganon din naman ako.
"Hindi pa kasi pwede..." Napalunok ako nang kaagad pumasok ang kamay niya sa suot kong salawal. "...may trabaho ako."
"But baby, I am your boss. Ako pa din ang masusunod."
Naibagsak ko kaagad ang aking ulo sakanyang leeg nang magsimulang gumalaw ang mga daliri niya. Wala naman sa isip ko 'to bago ko siya pasukin. Gusto ko lang talagang malaman ang plano niya, kaso nakaka-akit talaga siya.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...