Chapter 31.
Nakatunghay ako sa screen ng laptop kung saan litaw ang ilang larawan na kuha, nandoon si Yron at Ma'am Suzie. Tatlong araw na si Yron sa America, hindi ko tinanong ang tungkol dito dahil buo ang tiwala ko sakanya at wala rin naman kasi siyang nababangit tungkol dito. Pero nakakaramdam na ako ng pagkasagad habang pinagmamasdan ang bawat kuhang larawan.
Nakaramdam ako ng pait bago i-alis ang tab na 'yon. May kung anong bumagabag kasi sakin kaya sinearch ko ang pangalan ni Yron, hindi naman mukhang edited kaya sigurado akong totoo ang mga larawan na 'yon.
Bumuntong hininga ako nang makitang tumatawag na si Yron. Kaagad ko namang sinagot 'yon. Hindi ko magawang ngumiti dahil apektado ako ng sobra sa nakita kong picture.
"|What's wrong?|" Agad niyang napansin ang mood ko.
"Wala naman, pagod lang sa trabaho."
Kumunot ang noo niya at mariing tinitigan ako. Kahit magkalayo kami ay kita ang bigat ng mga mata niya.
Naka tuxedo si Yron ngayon habang kausap ako, mukhang papaalis na siya para sa trabaho.
"|Something is bothering you, I see.|" Tumango-tango siya tila sigurado na talaga.
"Uh... tungkol lang kay Mama, hindi ko parin kasi maka-usap." Sagot ko.
Nagbabaka sakali ako na sasabihin niya ang tungkol kay Ma'am Suzie pero natapos ang pag-uusap naming dalawa nang wala siyang nabanggit tungkol doon. Tungkol sa nangyari sa araw ko lang ang pinag-usapan namin.
Kinabukasan inaasahan kona na mababangit nila Rochel ang tungkol sa larawan nila Ma'am Suzie at Yron kaya hindi na ako nagulat, nanatili nalang akong tahimik.
Balak kong komprontahin si Yron sa oras na maka-uwi siya dito sa Pilipinas. Ayaw kong mag-away kami habang nasa ibang bansa siya.
May tiwala naman ako... ang kaso hindi ko maiwasang isipin na baka may gawing paraan si Ma'am Suzie para magkalapit lang sila. Malayo ang America gustuhin ko mang puntahan si Yron hindi pwede.
"Pusta ko buong suweldo ko ngayong taon iiwan ka ni Sir, paniguradong iiyak ka dahil kagaya ka lang ng mga babae niya noon na desperadang nagmamaka-awa na balikan sila."
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. Nagmatay-matayan ako sa bagay na 'yon. Ayaw kong magpadala sa mga sinasabi nila. Kailangan kong mag-isip ng tama, hindi maganda iyong dahil lang masama ang loob ko ay kung ano-ano ng sasabihin ko kay Yron sa oras na magka-uspa ulit kami.
Nang maka-uwi ay nakatutok ako sa laptop, walang tawag mula sakanya kaya ako na ang nagsubok na tumawag, pero hindi niya sinasagot. Nanginginig ang kamay ko at hindi mapakali habang matamang naghihintay.
'|Bakit hindi mo sinasagot ang tawag? Busy ka ba?|' Chat ko.
Sumapit na ang alas onse pero wala paring reply, tulala ako habang nakahiga sa kama. Yakap ko ang unan niya habang tahimik na umiiyak.
Pumapasok sa isip ko ang usap-usapan sa kumpanya na iiwan ako ni Yron dahil magkasama sila ni Ma'am Suzie. Hindi ko mapigilang mag isip ng grabe dahil magkalayo kami! Simula nang makilala ko siya ngayon lang kami nagkahiwalay ng husto, madalas kasi ay magkasama kami.
Gusto kong mapanatag na hindi sila magkasama ni Ma'am Suzie ngayon pero paano ko malalaman ni hindi nga siya nag paramdam ngayong araw.
Hindi ako halos nakatulog pero maaga akong bumagon at naglinis ng penthouse. Nang matapos at nakapagbihis na ay bumaba na ako sa parking kung saan madalas maghintay si Kuya Alfred para maihatid ako sa kumpanya.
Pero bago pa ako makadaretso sa sasakyan ay natigilan na ako dahil nakita kong naghihintay doon si Ma'am Hurt.
Yumuko ako at tumalikod. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang iniisip na itutulak niya na naman ako palayo sa anak niya. Masyado ng mabigat ang puso ko para dumagdag pa sa iisipin ko ang sasabihin niya ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...