Chapter 3.
Malaki ang penthouse ni Sir Yron, high ceiling at may ikalawang palapag pa. Sabi ni Genda kapag ganito ay milyon-milyo ang presyo, tapos buwanan ay nagbabayad pa kahit fully paid na.
Napaka-yaman nga talaga nila. Pero kung ako ang tatanungin at magdedesisyon, mas pipiliin ko ang bumili ng bahay kaisa sa ganito. Pratikal.
Napasulyap ako sa may foyer nang sumara na ang pintuan. Mukhang tapos na silang mga-usap ni Vlair, hindi man lang ako nakapag paalam.
Nginitian ko si Sir Yron saka siya linapitan.
"Salamat po sa pag tangap sakin, Sir."
Nanatili ang pagiging seryoso niya. Kahit mukhang napilitan lang siyang tangapin ako nagpapasalamat parin ako sa busilak niyang puso.
"Ako po pala yung naglinis kanina sa office niyo, isa po ako sa mga janitress sa kumpanya."
Nag-iwas siya ng tingin pero nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Hindi po kayo magsisisi na tinanggap ako. Bago paman po kasi ako makarating dito sa Maynila ay may karanasan na po ko sa ganitong trabaho, Sir---"
"Call me Yron." Malamig niyang saad.
Napangiwi ako. Hindi ako kumportable sa pagtawag ng ganon sakanya.
"S-Sir Yron---"
"Yron." Mariin niyang ulit saka na ako tinignan.
"Nakakahiya naman po ang pagkawala ko ng respeto."
Hilaw siyang ngumisi. "Pero ang pinsan ko ay kaya mong tawaging Vlair? Why too formal with me then?"
"Uhm..." Hindi ko maisatinig ang rason ko.
Iba naman kasi ang sitwasiyon nila ni Vlair. Boss ko siya at kailangang irespeto sa paraang pagtawag ko ng Sir sakanya.
"Call me Yron and stop using 'po' to me. Do I look old to you?"
Kagat labi akong umiling. Kaagad nag-iwas ng tingin si Yron saka ako linagtawan. Sinundan ko siya ng tingin saka mabagal na sumunod.
"Tulad ng sinabi ni Vlair I need a housekeeper. I can hire another one if---"
"Kaya ko po---kaya ko ang lahat, Yron! All-around ako."
Kita ko na tumango siya. Bumaba ang tingin ko sa malapad niyang likod. Biniyayaan naman ako ng tamang tangkad pero hangang balikat niya lang ako.
"I don't have any rules here in my place. Isa lang ang ayaw ko..." Panandalian siyang huminto kaya napahinto din ako.
"Ayaw ko ng wala sa oras kapag nandito na ako. Given that you also work in the company, I want you to be here after work. Or..." Bumuntong hininga siya. "Alright... you can go out but make sure to ask for my permission first."
Buti at nagbigay parin siya ay consideration. Wala namang problema sakin kung trabaho at bahay lang ako, pero mas maganda if me time ako para magliwaliw kahit papaano.
"You understand?" Baling niya sakin.
Agad-agad akong tumango saka matamis na nginitian siya. Muling nag-igting ang panga ni Yron saka na binalik sa harap ang tingin.
"Follow me, I'll show you your room."
Umakyat kami sa second floor. Kahit nasa ikalawang palapag na ay malawak parin. Kitang-kita ang city view dahil halos salamin ang buong penthouse.
Nang huminto siya ay huminto na rin ako.
"This will be your room."
Humarap siya sakin saka tinuro ang pintuan na nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...