Chapter 37.
Nakatingin ako ngayon kay Ma'am Maureen na mugto ang mga mata habang tulalang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan namin pauwi sa probinsiya.
Walang naikwento sakin si Mama na may matalik siyang kaibigan noon. Hindi niya kailanman nabangit ang pangalan ni Ma'am Maureen sa amin kaya medyo nagulat ako sa nalaman.
Ang mama ni Vlair ay matalik na kaibigan ng Mama ko.
"Bata palang kami ay magkaibigan na kami ni Zairyl, Phaedra."
Kinagat ko ang labi ko nang magsalita si Ma'am Maureen, nakatingin parin siya sa labas ng bintana.
"Nakakasiguro ako na may mga nasabi sayo sila Hurt pero malayo iyon sa katotohanan tungkol sa pamilya niyo."
"Iyon nga po ang sinabi ni Mama nang tanungin ko siya sa nangyari noon."
Mapait na ngumiti ang ginang.
"Mabait sila Tito Phae at Tita Edra..."
Madaling araw kaming lumapag sa paliparan. Isa't kalahating oras lang naman kasi ang byahe papunta sa amin kapag lulan ng eroplano.
Hindi ko pa natawagan sila Zia na ngayon ang uwi ko dahil biglaan lang ito.
Matapos kasi nang nangyari kagabi ay umalis na ako sa GLand pero sinundad pa pala ako nila Ma'am Maureen at naki-usap na tulungan siya pauwi dito nang sa ganon ay magkita sila ni Mama. Siya at si Ma'am Raida na tahimik lang sa gilid ang kasama ko ngayon. Naiwan si Sir Vito para ayusin ang ilang bagay.
May isang malaking sasakyan ang sumundo sa amin. Ako ang nagturo ng daan papunta sa bahay.
Nang mahinto sa harap ng bahay ang van ay malungkot akong napangiti. Huli akong umuwi dito ay napakasaya ko pa noon pero ngayon halos pigain ang puso ko sa bawat paghinga.
Patay pa lahat ang ilaw dahil alas tres palang ng umaga. Imbis na gisingin sila Zia ay kinuha ko ang susi at dahan-dahang binuksan ang bahay.
Sinulyapan ko si Ma'am Mau na pinagmamasdan ang buong lugar, naka-antabay sakanya si Ma'am Raida.
"Eto po ang kwarto ni Mama, sa unang palapag nalang po namin linagay dahil nahihirapan po siyang umakyat sa taas." Turo ko sa unang pintuan.
Pinahid ni Ma'am Maureen ang luha niya. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at tinulak pabukas.
Rinig ko ang mahinang hikbi ni Ma'am nang pumasok na kami sa kwarto, bukas ang maliit na ilaw sa lamesa.
Kita ko si Mama na mahimbing na natutulog, may oxygen sa tabi ng kama. Malaki ang pinayat niya simula nang huli ko siyang makita.
"Mau..." Rinig kong pagtatahan ni Ma'am Raida kay Ma'am Maureen.
Umiiyak akong umupo sa tabi ng kama at dahan-dahan kong hinawakan ang payat na kamay ng nanay ko. Pumalandas ang mga luha sa aking pisngi.
"S-seventeen po ako nung malaman na may cancer ni Mama, nung una po ay dinadaan po namin sa gamutan pero lumala po sa lumipas na taon, hindi rin po kasi siya nakakapagpa-chemo."
Tumayo ako at hinayaan si Ma'am Maureen na umupo. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kay Mama.
"Kukuha lang po ako ng upuan para sainyo." Turan ko kay Ma'am Raida.
"Sasama muna siguro ako sayo sa labas, hija."
Tumango ako, sabay kaming lumabas ni Ma'am Raida at hinayaan mag-isa si Ma'am Maureen sa loob.
"Your house is pretty."
"Uhm, salamat po. Dati po kasing Engineer si Mama. Uh, gusto niyo po ba muna ng kape?"
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...