Chapter 5

1.7K 51 14
                                    

Chapter 5.

Malaki ang ngiti ko sa labi nang matangap ang unang sahod. Hindi na ako makapaghintay na makapagpadala ng pera. Gusto kong magtatalon sa tuwa kaso pagtitinginan ako ng mga katrabaho ko kapag ginawa ko 'yon.

"Sasama ka ba samin, Phaedra?" Tanong sakin ni Jude.

Balak nilang mamasyal at inaya niya ako kaninang sabay kaming kumain. Naramdaman ko ang mariing tingin sakin ni Rochel kaya agad akong umiling saka bahagyang nginitian si Jude.

"Pass, may trabaho pa kasi ako saka wala sa budget ko ang pagliliwaliw. Saka na 'pagka nakaluwag. Ingat and enjoy nalang kayo!"

Alam kong kukulitin pa ako ni Jude na sumama kaya nagpa-alam na ako saka nauna na sakanilang umalis.

Habang nakasakay sa jeep ay mahina akong kumakanta. Napapasulyap pa ang iba sakin dahil sintonado talaga ako, aminado ako doon. Nagmatay-matayan ako at nagpatuloy sa pagkanta hangang sa huminto na ang jeep sa harap ng condominium.

"Thank you sa pakikinig mga Ma'am-Sir!" Natatawa kong saad saka na bumaba.

Binati ko ang mganguards saka na pumasok sa elevator.

Nang makarating na sa loob ng unit ay nagulat ako nang mamataan si Yron. Maarkong kumurba ang kilay niya nang makita ang reaksiyon ko.

"Sorry, akala ko kasi ay nasa trabaho ka pa." Hingi ko ng pasensiya.

Naglakad ako papalapit sakanya.

"Maaga kang umuwi ngayon?"

Tamad siyang tumango saka humilig sa may pader. Ang malalalim niyang mata ay pumukol sakin.

"A-ah, sige, magpapalit na ako ng damit sa taas para makapaglinis." Nautal pa ako!

Dali-dali kong iniwan si Yron doon saka dumaretso sa kwarto ko. Isang leggings at white t-shirt ang sinuot ko. Para isahan nalang ang palit mamayang aalis ako.

Nang makababa ay kaagad akong linapitan ni Yron saka inabot sakin ang puting sobre.

"Your salary." Kaswal niyang saad.

Nginitian ko siya. "Salamat."

Inabot ko na 'yon saka siya tinignan.

"Yron, mamaya sanang bago mag gabi magpapa-alam ako sandali para umalis."

"Where are you going?" Istrikto ang tono niya.

Naningkit ang mga mata ni Yron habang nakatingin sa akin.

"Padala Center, magpapadala ako ng pera. Sandali lang naman 'yon."

Tumango siya. "Alright, ipagmamaneho kita."

"Huwag na. Nakakahiya naman---"

"I'll also go somewhere else so I'll drop you over to a remittance center." Maliit ang pasensiyang aniya. "You still have something to do now?"

"Maglilinis na sana."

"It's already clean. Ngayon na tayo umalis."

"A-ah? Oo! Sige!"

Halos mataranta ako dahil first time kong sasabay sakanya. Nakakahiya pero siya naman ang nagprisinta kaya ayos lang.

"Kukuhanin ko lang yung suweldo ko kanina sa kwarto. Mabilis lang, Yron."

Agad ko siyang tinalikuran saka tumakbo.

"Careful, woman, you might slip!" Sigaw niya kaya huminto ako sa pagtakbo at naglakad nalang.

Naka puting sobre din ang sahod ko kanina. Pinagsama ko nalang ang dalawa. Napangiti ako nang mabilang kung magkano, linagay ko ito kasama ang aking cellphone sa maliit kong tote bag na one hundred pesos naming nabili ng kapatid ko.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon