Chapter 6

1.8K 50 16
                                    

Chapter 6.

Sa labas ng bintana ako nakatingin habang nakasakay sa kotse ni Yron. Tulad nang gusto niya sumabay ako papunta sa kumpanya.

Kung tutuosin ay dapat kalmante lang ako pero hindi ko maiwasang isipin na baka may makakita sa aming magkasama. Ayaw kong mangyari 'yon, at alam kong hindi din gugustuhin ni Yron na makita akong kasama siya.

"Do you want to have some breakfast again?"

Ngumiwi ako sa tanong niya. Maaga siyang nagising kanina at siya ang nagluto ng almusal namin, sobrang busog ko para kumain ulit.

"Busog ako."

"You're so quiet." Bulong niya.

Malapit na kami sa kumpanya nang gusto ko sana sabihing ihinto nalang sa gilid pero dare-daretso niyang pinasok ang kotse sa parking.

May apat na lalaking naghihintay doon. Ang dalawa ang mga sekretarya niya samantalang ang dalawa pang iba ay hindi ko na kilala.

"Let's go."

"P-pwede bang mauna na kayong umalis tapos pagkalipas ng limang minuto ay saka palang ako bababa dito sa kotse?"

Tinaasan ako ng kilay ni Yron. Base palang sa ekspresiyon ng mukha niya ay hindi siya o-oo. Pinaningkitan niya ako ng mata tila binabasa kung bakit ko nasabi 'yon.

"Kinahihiya mo ba na kasama ako?"

"Hindi naman sa ganon pero baka kasi pag-usapan tayo. Nakakahiya sa parte mo 'pag nangyari 'yon." Mahina kong saad, natatakot ako na marinig kami sa labas.

Sinulyapan ko ang apat na lalaki na mukhang nagtataka kung bakit hindi pa bumababa si Yron.

"Fine, if that's what you want then do it."

Kinalas niya na ang seatbelt niya saka lumabas na ng kotse. Nandoon na naman ang natural na pagiging suplado niya habang daretso papasok sa may elevator sa ground floor.

Naghintay ako ng limang minuto at siniguro na walang makakapansin na bababa ako sa kotse ni Yron bago umalis at dali-daling pumasok sa main entrance ng kumpanya.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. Kahit alam kong wala namang nakakita sakin ay hindi ko parin naiwasang hindi ma praning na baka meron.

Maisip ko palang na may kumalat na chismis tungkol sa amin ay natatakot ako. Lalo na pa ngayon na kinakausap na ako palagi ni Yron.

Mas gugustuhin ko pa yatang hindi niya ako pinapansin kaisa sa ganitong sinasabay niya ako papasok sa trabaho! Gusto kong humindi kaso nasa isip ko din na maging praktikal. Sayang nga naman ang pamasahe sa jeep kung pwede naman palang sumabay sakanya.

"Magandang umaga, miss."

Nahinto ako sa paglalakad nang may humarang sa daan ko. Maputi siyang lalaki na medyo matangkad.

"Sir?"

"Phaedra ang pangalan mo 'diba?" Nakangiti niyang tanong.

Napasulyap ako sa napapatingin sa amin.

"Opo." Gusto ko nalang siyang iwan kaso bastos naman 'yon kapag ginawa ko.

"I'll just give this to you. I hope you'll have a great day today."

Inabot niya sa paper bag na hindi ko alam kung anong laman. Pinahawak niya sakin 'yon saka na umalis, hindi ako binibigyan ng pagkakataon na ibalik ang binigay niya sakin.

Pagkadating ko sa area namin ay binuksan ko 'yon. May chocolates sa loob at isang letter, binasa ko at halos mamula ang buong mukha ko sa hiya!

Love letter pala. Dali-dali ko iyong tinago sa aking locker saka kinalma ang sarili.

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon