Chapter 32.
"Kamusta ang interview?" Tanong ni Gail nang matapos ako.
Day-off niya ngayon at sinamahan niya ako sa pag a-apply.
"Ayos naman, ang kaso kinakabahan ako na baka hindi ako matangap dahil sa apelido ko."
Kanina ko pang umaga na iniisip ang bagay na 'yon.
"Sus, huwag mong isipin 'yan, ang mga Castellia ang may-ari niyan. Kaya posibleng matangap ka!"
Pagod akong ngumiti saka umupo sa may ilalim ng waiting shed. Madaming sasakyan ngayon ang dumadaan sa harap namin ni Gail.
Biglang bumalik sa ala-ala ko ang unang araw ko dito sa Maynila, iyon din ang unang beses kong makita si Yron.
"Kailan ang dating ng ex mo?" Biglang tanong ni Gail nang mapansin niyang masyado na akong tahimik.
"Isang lingo siya sa America baka sa Huwebes." Sagot ko.
Hindi pa ako pormal na nakikipag hiwalay kay Yron pero siguro naman ay batid niya na kung anong ibig sabihin ng pag-alis ko sa oras na maka-uwi siya dito sa Pilipinas.
Alam kong may posibilidad na magalit siya sakin dahil walang paalam na iniwan ko siya pero sana naman ay maintindihan niya ang rason ko. Nagigipit na ako, kahit mahal ko siya mas pipiliin ko parin ang pamilya ko.
"Kapag umuwi ka mas maigi kung kausapin mo muna siya."
Kaagad akong umiling. "Makulit si Yron, hindi 'yon basta-basta susuko. At... natatakot ako sa oras na kumprontahin niya ako biglang mag bago ang desisyon ko na iwan ko siya, Gail."
Napangiwi si Gail saka bahagyang hinila ang mahaba kong buhok.
"Huwag mong sabihin na balak mong makipag hide-and-seek sakanya?"
"Hindi naman sa ganon. P-pakakalmahin ko muna siya... sigurado naman ako na mabilis siyang makaka move-on."
"Ghoster ka pala, Phaedra."
"G-ghoster?" Halos mautal-utal ako.
"Iyong mawawala nalang ng walang paalam at paramdam. At ang tawag sa gwapo mong ex is na ghost. Yron sadboi, uwu." Napangiti ako sa huli niyang ginawa. Ang cute niyang tignan.
Walang pupuntahan ngayon si Gail, ako naman ay iniisip pa ang gagawin ko pa. Panandalian ko munang linabas ang cellphone ko saka sinubukang tumawag sa probinsiya para makamusta sila Mama.
Gusto kong makasigurado na ayos lang sila, natatakot ako sa banta ni Ma'am Hurt kagabi. Ayaw kong mangyari ang bagay na 'yon.
"Paano mo nakaka-usap ang mga kamag-anak mo sa ganyang klaseng cellphone?" Tanong ni Gail nang makita ang de keypad kong cellphone. "Uso na ngayon ang touchscreen. Panahon pa ng kopong-kopong 'yan!" Bigla kong naalala si Genda sakanya.
"Wala akong pambili non." Pumalabi ako.
"Mura lang ang mga china phone sa ilang tindahan diyan sa malapit, kung gusto mo ay tulungan kita."
"Nagtitipid ako, kailangan kong magpadala sa probinsiya para kay Mama. Ayaw kong ma delay ang pagpapagamot niya."
Ngumuso siya saka bumuntong hininga.
"Alam mo, akala ko ako na ang pinaka malas na babae sa mundo. May mas nakaka-awa pa pala sakin. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang ganyan sa sitwasiyon mo, mag-isa nalang ako, samantalang ikaw may umaasa pa sayo."
Pagod kong linaro ang mga daliri ko nang marinig ang sinabi ni Gail habang hinihintay na sumagot sa tawag si Zia.
Iniisip ko din kung ano nang mangyayari sakin ngayon... masakit ang puso ko ngayon, nasasaktan ako dahil wala na kami ni Yron sabayan pa ng problema sa paghahanap ng trabaho.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...