Chapter 8

1.5K 47 11
                                    

Chapter 8.

Natigilan ako nang maramdaman na may huminto bigla sa harap ko. Sinulyapan ko kung sino 'yon at bumungad sakin sila Rochel at ang mga kaibigan niya. Unti-unti nila akong pinalibutanan.

Wala akong matandaan na ginawa para kainisan na naman nila ako ngayong araw dahil iniiwasan ko na sila palagi para wala ng gulo.

Katatapos ko lang maglinis sa 20th floor. Ni hindi pa nga ako nakaka-upo pero mukhang aawayin na naman nila ako.

"Wala ka ng ginagawa 'diba?" Nakangiting tanong sakin ni Barbie.

Tumango ako saka sinulyapan ang kabuuan ng headquarter namin. Kami lang ang nandito dahil abala ang mga kasama namin sa kanya-kanyang area na naka toka sakanila.

Kanina pa ako naglilinis at ngayon lang ako natapos dahil hindi biro ang lawak ng nakatoka sakin ngayong araw. Hindi pa nga nagtatanghali ay grabe na ang pagod ko. Gusto ko nalang maupo para mamaya ay may lakas na naman sana ako.

"Kung ganon, edi ikaw nalang ang pumunta sa 8th and 7th floor, i-cover mo na yung sa amin tutal ay wala ka na namang ginagawa." Nakangiting saad ni Rochel.

Umiling ako. "Ayaw ko, Rochel." Mariin kong sagot.

Nawala ang peke nilang mga ngiti sa labi nang sumagot ako. Apat sila samantalang isa lang ako, saan mang-angulong tignan ako ang talo. Nakaka-kaba ang palibutan nila ako ng ganito.

"Gusto mong magkaroon ng kaibigan 'diba? Edi matuto kang makisama samin, Phaedra."

Bumuntong hininga ako saka matapang silang tinignan isa-isa.

"Marunong akong makisama pero hindi sa ganitong paraan."

Hindi ako pala-away, pero hindi rin ako tanga na hahayaan ang iba na alipustahin ako.

Janitress kaming pare-pareho. Pinapasuweldo kami ng ayos. Kung pagod sila, pagod din naman ako, pero sana naman ay maging propesyonal sila.

"Ang sabihin mo tamad ka lang, Phaedra! Paganda lang kasi ang alam mo at hindi mo magawang tulungan man lang kami!"

"Katatapos ko palang maglinis sa area ko, Jepay. Hindi rin ako nagpapaganda---"

"At kung sumagot ka samin akala mo kung sino ka! Ano nagmamatapang ka na? Ah?!"

Umiling ako habang seryosong nakatingin sakanila na mukhang handa na akong sabunutan dahil sa pagiging matigas ko.

"Ayaw ko ng gulo. Hindi ko hilig ang away. Kung gusto niyong ipaako sa iba ang trabaho niyo hindi ako ang tamang taong linapitan niyo. Pasensiya na pero hindi ko gagawin ang gusto niyo."

Wala namang problema sakin kung ako ang maglinis sa mga area na 'yon basta ako ang nakatoka. Pero kanila na assign ang mga iyon at responsibilidad nilang gawin ang trabaho nila dahil pinapasuweldo sila ng maayos ng kumpanya.

Isa pa, hindi ko hilig ibaba ang sarili ko para lang pakisamahan ng ibang tao. Hindi ako pinalaking ganon ni Mama. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko kung ayaw nila sakin.

Hindi ako uto-uto para isipin na sa oras na gawin ko ang gusto nila ay magiging mabuti na sila sakin.

Hindi ko kailangang magpakababa para matangap nila, hindi ko kailangang magpakatanga para lang gustuhin nila. Dahil kung nasa puso nila na kaibiganin ako ay hindi na nila dapat gawin ang bagay na ito sakin.

"Nakiki-usap kami ng maayos sayo, Phaedra. Binibigyan ka na namin ng pagkakataon na maging parte ng pagkakaibigan namin. Pero simpleng bagay lang ay hindi mo magawa. Walang mangyayari sayo kung hindi ka marunong magpakababa sa amin. Hindi porket maganda ka ay angat ka tandaan mo 'yan! Tamad!

Sweetest PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon