Chapter 2.
Nang matapos ako sa banyo ay pinalinis pa ni Sir Yron yung mga shelves na naglalaman ng mga documents.
Ramdam ko parin ang mabigat na tingin niya sakin. Sa totoo lang nakaka-ilang iyon, pero wala naman akong tapang na sabihin na hindi ako kumportable.
Sa huli ay bumuntong hininga nalang ako at pinagsawalang bahala ang presensiya niya. Sanay na naman ako sa ganong klase ng tingin noon pa man kaya nakakasiguro ako na mawawala rin ang kaba ko kalaunan.
Matulin kong ginawa ang aking trabaho. Ayaw kong may pangit na kumento na mukuha kay Sir Yron. Natatakot ako na sa oras na may makita siyang kalat ay bigla niya nalang ako sisantihin.
"Hey."
Hindi ko sigurado kung ako ba ang tinatawag pero nag-angat parin ako ng tingin, kami lang naman ang nandito sa silid at wala namam siyang kausap sa cellphone.
"Sir?"
"What's your name?"
"Phaedra po, Sir." Bahagya ko siyanh nginitian.
"I want your full name, woman." Makapangyarihan niyang saad.
Mababa at malaki ang boses ni Sir, puro at lalaking-lalaking pakingan. Bumagay sakanya dahil matangkad at malaki ang katawan niya.
"Phaedra Loraine Juares po." Sagot ko nang may konting ngiti sa labi.
Kita ko kung paano natigilan si Sir Yron nang marinig niya ang buo kong pangalan. Bahagya kong tinaas ang aking mga kilay dahil konting-konti nalang iisipin kona na may magic spell ang pangalan ko.
Noon pa man kapag nalalaman ng mga ina-applyan ko sa bayan ang buo kong pangalan matik na hindi na ako makaka-usad sa final process ng application, at iyon ang interview.
Ang madilim na mata ni Sir Yron ay mas dumilim pa. Iyon ang tipo ng tingin na matatahimik ka sa takot at pangamba. Kinabahan ako lalo na nang maging matalim ang titig niya sakin.
May galit ba siya? Eh, wala naman akong ginawang masama.
"Uhm, may i-uutos pa po ba kayo?" Tanong ko upang itago ang takot.
"You may go now." Malamig niya turan.
Nalilito man ay linisan ko ang opisina niya kahit hindi pa tapos sa paglilinis sa mga shelves. Wala akong matandaang ginawang mali kaya hindi ko alam kung bakit mukhang nagalit ko si Sir Yron.
Mukhang kailangan ko ng masanay sa ugali niya, halata naman nung una palang na suplado at mainitin ang ulo niya kaya dapat ay huwag ko ng kuwestiyunin kung bakit ganon nalang ang reaksiyon niya.
Waiting nalang ako pagkatapos ko sa opisina ni Sir Yron.
Bawat napapasulyap sakin ay nginingitian ko, ang kaso ang mga babaeng kasama ko ngayon ay iniirapan o kaya naman sinisimangutan ako.
Pero ganunpaman, naglakas loob ako na lapitan ang kumpulan ng mga babae na halos ka edaran ko lang.
"Hello! Bago po ako dito, ano po ang pangalan niyo mga ma'am?" Nakangiti kong tanong.
Imbis na sagutin ako, umalis lang sila at nagbulungan. Umismid pa ang dalawa sakanila kaya napapahiya akong bumalik sa lugar ko.
Gusto ko lang namang magkaroon ng kaibigan, hindi naman ako masamang tao at wala sa itsura ko ang kayang manakit. Sa probinsiya namin, madami akong kaibigan dahil magaling akong makisama.
Iyon nga lang mukhang iba talaga ang ugali ng mga tiga-Maynila kaisa sa aming tiga-probinsiya. Mapili sila.
Naalala ko ang sinabi ni Mama na sa oras na nandito na ako hindi pu-pwede ang mahina, kailangan maging matapang at palaban. Madami daw kasi ang masasama ang ugali at kayang manakit ng mga mahihinang tao.
BINABASA MO ANG
Sweetest Pain
RomanceMaynila ay ang lugar ng pag-asa para sa mga tiga probinsiya, iyon palagi ang nasa isip ni Phaedra nang makipag sapalaran siya sa malawak at mataong siyudad para sa pamilya. Bitbit ang pangakong makakapagpadala ng pera para sa inang may sakit sa prob...