Chapter 3

536 17 0
                                    

Chapter 3
Ericka P.O.V

Kakababa ko lang galing sa kwarto ay may bumisina na agad sa labas. Ang aga naman  niya?

"Ma aalis na po ako!" Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko. Sa school na nga lang ako kakain late naman kasi talaga ako nagising kanina. Hindi ko siya makontak kahit sa text hindi man lang nagre-reply.

"Sige mag ingat kayo" Lumabas na agad ako. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng gate nang wala akong nakitang sasakyan.
Tss baka nakidaan lang yung sasakyan--

"Ikaw si Ericka diba?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Sino ka?" Hindi ko makita ang mukha niya. Naka sumbrero, mask tapos naka salamin pa. Diba mukang timang lang. Ang init init balot na balot.

"Alam mo ba na kakilala mo lang ang naka-sagasa sa tatay mo?" Lumapit agad ako sa kaniya. Isa din ba siya sa inuutusan ni Sam?
O nandoon siya mismo kung saan nangyari iyon.

"Sino siya? Kilala mo ba?" Tanong ko nang makalapit ako. Tinanggal naman niya ang suot niyang mask at ngumisi saakin.

"Bakit hindi mo tanungin si Sam?" Mas naguluhan ako sa kaniya. Bakit ko pa tatanungin si Sam? Alam na ba niya kung sino? Nahanap na nila?

"B-bakit si Sam--"

"Baby!" Nagulat ako ng biglang pinaandar niya paalis yung motor niya nang marinig namin si Sam.

"Sino yun baby?" Nagkibit balikat ako at hinawakan naman niya agad yung kamay ko kaya tiningnan ko siya.

"Anong sinabi niya sayo?" Siguro mang gugulo lang iyon sa isip ko kaya niya iyon sinabi.

"Hindi ko naintindihan eh." Kung kakilala naman na ni Sam yon. Edi sana sinabi na niya saakin diba?

Sumakay naman na ako sa sasakyan niya at hinintay ko siyang makapasok ulit.

Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya. Kilala ko kung sino ang nakasagasa kay papa at tanungin ko si Sam. Malapit ba iyon saaming dalawa kaya niya nasabi iyon?

"Sam?" Tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at hinawakan naman ang kamay ko. Tingin ko wala pa ding lead si Sam doon kaya hindi niya pa sinasabi saakin kung ano nang nangyayari sa paghahanap nila.

"Wala. Nevermind." Baka magbago ulit mood niya. Wag ko nalang tanungin.

Aica P.O.V.

"Date tayo, love?" Napalingon ako kay James.  Nakatitig siya saakin habang ako ay nagbabasa ng libro.

"May pasok pa. Mamaya nalang pagkatapos" sabi ko papasok palang date na agad ang iniisip. Binalik ko na lang ulit ang tingin sa notebook ko parang may mali akong naisulat.

"May party kila Charlie mamayang 3pm. Sama tayo?"  Umiling naman ako sa kaniya. Hanggang 4pm pa ang pasok namin.

"May pasok pa." Sabi ko nang hindi siya nililingon. Hinawakan naman niya agad ang kamay ko at nilagay ang ulo niya sa librong binabasa ko.

"Sige na!" Hayst.

"Hay nako. Oo na nga" hindi naman ako makahindi dito.

"Pfft. Sunduin kita mamaya ah." Sabi niya nang makarating kami dito sa university na pinapasukan ko.

"Sige. Hintayin nalang kita." Sabi ko nang bumaba ako.

"Bye!" Pfft. Naalala ko tuloy kung paano ko pinilit si kuya na sagutin ko na si James.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now