Chapter 14

251 10 0
                                    

Chapter 14
Alexander P.O.V

"Ano bang nangyari? Bakit ka lumayas sa inyo?" Tanong ko at binigyan ko siya ng tubig. Nakakaloka naman tong babaeng to. Sa kagitnaan na ng gabi pumunta dito.

"H-hindi ko sila kayang pakisamahan. Ayokong makipagplastikan sa kanila." Eh? Sino ba ang tinutukoy niya? Dumeretso nalang ako sa kusina.

"Sige magluluto na muna ako. Kumain ka na ba?" Hindi naman niya ako nilingon kaya hinagisan ko ng kutsara ang tapat niya.

"Hindi pa." Tss. Sinabihan na. Bakit ba ang hilig nilang magpalipas ng pagkain? Ang sarap sarap kumain tapos papalipasin lang nila.

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano." Sabi niya at ngumiti saakin. Kahit naman ngumiti at tumawa siya jan alam kong malungkot ang bruha. Tss.

"Pwede bang wag mong sabihin kahit kanino na andito ako?" Hindi ko naman siya sinagot at dumiretso sa kaniya.

"Sige. Hay nako tinatamad akong magluto mag order nalang tayo." Sabi ko at tumabi sa kaniya. Matutuwa na siguro sila dadsy kapag nalaman nilang may nakatirang babae sa condo ko pfft.

"What do you want to eat?"

"Kahit ano." Tss. Tumawag nalang ako sa hotline ng paborito kong resto.

"Good evening--" Blah blah blah.

"Meron ba kayong kahit ano?" Tanong ko over the phone. Tinapunan naman ako ng masamang tingin ni Erickam

"Nag iinis ka ba?!" Inis na sabi ng katabi ko HAHAHAHA.

"Just kidding." Sinabi ko na lang ang lahat ng gusto kong kainin pfft. Kumakain din naman siya ng mga ganoon.

"Okay sir. Thank you --" pinatay ko na agad ang tawag. Hindi naman talaga ako bastos kausap sadyang trip ko lang asarin ang katabi ko.

"Napaka bastos mo kausap." Pfft.

"Okay lang yan." Sabi ko at tumayo. Kukuha ako ng wine magpapa-iyak ako HAHAHA!

"Bakit ka pala lumayas sa inyo?" Tanong ko at sinalinan ko yung baso. Hindi naman siya nakakibo agad.

"N-naghiwalay na kami ni Sam."

"Bakit anong nangyari?" tanong ko at inabot sa kaniya yung wine. Ginulo ba na naman sila nung chakang ex ni Sam? Hay nako.

"S-si Sam at Aica ang dahilan kung bakit namatay si Papa." Naibuga ko agad yung iniinom ko dahilnsa sinabi niya. Yung hinahanap nilang nakasagasa? Sila iyon?!

"Are you serious?!"  Tumango lang siya at nagsimula na ulit umiyak. Pero bakit niya kailangang lumayas?

" Sinabi saakin ng tito niya." Binigay niya saakin ang isang brown envelope. Kinuha ko naman iyon.

"Ano to?" Tanong ko sa kaniya. Bago ko binuksan ang envelope. May mga pictures din dito.

"Iyan ang araw na binigyan ng pera ng magulang ni Sam ang mga magulang ko para hindi sila magsampa ng kaso. Tingin ko iyon din ang dahilan kung bakit hindi saakin sinasabi nila mama ang tungkol sa pagkawala ni papa." Paliwanag niya. Isa lang nakikita ko dito.

Ang gwapo ng stepfather niya!!!

"Alam mo. Ito lang masasabi ko." Sabi ko. Tumitig naman siya saakin pfft. Gusto ko sanang magbiro kaso naawa na ako kay Ericka.

"Kailangan niyong mag usap ng masinsinan ni Sam." Sabi ko. Mamaya ko nalang to lolokohin kawawa naman eh pfft.

"Nag usap kami kanina. Humihingi lang siya saakin ng tawad." Kanina? Hindi kaya hindi din alam ni Sam na yung nabunggo nila ay yung papa ni Ericka?

"Siguro nabigla lang din siya. Hindi ba tinutulungan ka niyang mahanap yung nakasagasa sa papa mo?" Tanong ko sa kaniya. Pero kung sila iyon sana kumalat na  ang balita noon na nakasagasa sila..

Paano nila naitago iyon?

"Siguro naghahanda din iyon ng mga sasabihin niya sayo. Shempre hindi naman madali umamin diba?" Tumango lang siya kaya niyakap ko na siya.

"Basta. Magpahinga ka muna. Kapag handa ka nang kausapin siya then pakinggan mo yung side niya. Okay? Sa ngayon magpahinga ka stress ka na." Sabi ko at tumayo para tulungan siyang ilagay ang mga gamit niya doon sa isang kwarto.
Dito nalang din muna ako magi-stay. Wala siyang kasama baka kung ano pa ang mangyari dito eh.


2 days after...

Ericka P.O.V.

"Labas tayo." Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto na tinutuluyan ko.

"Keysa naman magmukmok ka dito. It'a sunday. Punta tayo sa church." Sabi niya at tinulak ako papunta sa banyo.

"Dali na ako na maghahanap ng damit mo." Nagulat ako nang kinuha niya yung maleta ko at buksan.

"Kukuha ako ng underwear--"

"Dalian mo na! Ako na kukuha!" Hinarangan naman niya ako kaya hindi ko naabot ang lagayan ko ng mga undies.

"Ako na--"

"Gusto mo paliguan pa kita?! Ihahanda ko lang dalian mo na male-late tayo niyan" sabi niya at itinulak ako papunta sa banyo.

"Dalian mo na ah." Tss. Hindi naman niya siguro iyon gagawin.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now