Chapter 53

189 9 0
                                    

Chapter 53
Ericka P.O.V.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Namamanhid din yung mga daliri ko.

"I can't go there.. Just re-schedule the meeting.." Rinig kong sabi ng kung sino.
Nasaan ba ako?

"Ericka?" Tawag saakin nung lalaki. Pinilit ko namang idilat ng maayos ang mata ko.
Tiningnan ko agad ang nasa paligid. Ang laking kwarto naman to.

"What do you feel?" Hinawakan niya agad ang kamay ko kaya tiningnan ko siya. Nasa hospital ako.

'Sam, confirms that Ms. Ericka Santos is one of her pay girls.'

"Okay ka na ba?" Binawi ko agad ang kamay ko. Bakit ba hindi niya pa ako tini-tigilan? Paano niya nalaman yung ginawa ko?

Bakit buhay pa ako?

Narinig kong bumukas ulit ang pintuan.
"Hello, Ericka." Bati agad nung isang doktor. Andito din yung kaibigan ni Sam na dermatologist.

"Iche-check lang po namin yung blood pressure mo." Sabi nung nurse na kasama niya kaya tumango ako sa kaniya.

"Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Dr. Cabrera. Hindi ako sumagot sa kaniya at tiningnan ko yung pintuan. Saan naman iyon pumunta?

"May babae ba si Sam?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanilang dalawa. Nakangisi saakin si dr. Cabrera at yung isa naman ay umiiling.

"Pfft. Malakas talaga si Sam. Makaka-patay ang kagwapuhan, mana talaga saakin." Hindi ko nalang siya pinansin. Parang tangang doctor naman to.

Kung ano ano pa ang sinasabi niya hindi ko nalang sila inintindi. Wala akong sa mood makipagusap kung kani kanino. Pinilit ko namang umupo pero pinigilan nila ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dr. Cabrera saakin.

"Sa Cr." Sabi ko pero umiling naman sila saakin. Kaya nagtaka ako. Ano pipigilan nila ako?!

"May mga nakakabit pa sayo. May suot ka namang diaper kaya gawin mo na diyan ang kailangan mong gawin." Pinag-singkitan ko sila ng mata. Hindi ko kayang mag banyo dito lalo na at nandito sila.

"Kailangan ko ngang mag-cr." Napakamot naman silang dalawa sa batok bago kausapin nung isang doktor yung nurse.

"Tatanggalin lang muna nila iyang oxygen mo at yung ibang nakakabit sayo para maka-ayos ka na din." Binuksan naman nung nurse ang hospital dress ko at isa isang tinanggal yung mga nakalagay sa dibdib ko.

Pagkatapos nilang gawin iyon ay tinulungan pa niya akong pumasok sa cr.
Ginawa ko nalang ang mga kailangan kong gawin dito sa Cr. Nang matapos ako lumabas na agad ako.

"Ako na niyan." Sabi niya at kinuha yung dextrose ko. Hindi ko na siya pinigilan ayoko din naman siyang makausap.

"Okay na ba?" Tanong niya ulit nang makaupo ako dito sa higaan. Kinuha niya yung clam na nasa lamesa at itinali ang buhok ko.

Tumayo naman siya at pumunta doon sa lamesa. "Kumain ka na muna."  Sabi niya at nagdala ng tray.

(Ipatugtog niyo yung Di lang ikaw by. Lovi Poe.)

"Ako nalang. Para hindi ka na mahirapan." Sabi niya at kinuha ang kutsara na dapat ay kukunin ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naiiyak na naman ako. Sobrang bigat ng nasa dibdib ko na parang mainit na hindi ko maintindihan.

"Ayoko." Iniwas ko agad yung bibig ko.

"You need to eat this, Ericka.." Sabi niya pa at inilapit ulit yung kutsara. Ang pinaka ayaw ko eh yung paulit ulit.

"Sabi nang ayoko eh!" Tinapon ko yung tray at yung kutsara na hawak niya. Kitang kita sa mga mata niya yung gulat at galit sa ginawa ko.

Pero hindi siya nagsalita. Tumayo naman agad siya at kinuha yung nabasag na tasa at nilagay iyon sa tray.

Tiningnan niya ulit ako. Ako ang unang sumuko sa titig niya. Naalala ko yung sinabi niya sa interview. Sinabi niya pa talaga na bayarang babae lang ako.

Narinig ko nalang na bumukas at nagsara ang pintuan kaya humiga nalang ulit ako. Hindi ba dapat maging masaya na siya? Hindi na siya mahihirapan. Hindi narin ako maguguluhan.

Mas magiging madali kung hindi na niya ako tinulungan. Sana hinayaan niya nalang ako. Hindi ba iyon naman ang sinabi niya sa lahat. Wala namang namamagitan saaming dalawa.

Sinabi niya din na lalayuan na niya ako. Bakit hindi niya ba iyon magawa? Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano bang totoo sa mga sinasabi at pinaparamdam niya.

Kung hinayaan na niya ako. Magiging masaya na din siya. Marami ding masisiyahan kapag naging sila ni Gizzelle.

Sana hinyaan na niya ako para hindi na kami nahihirapan.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now