Chapter 63

183 12 0
                                    

Chapter 63
Ericka P.O.V.

Maaga akong gumising para magluto ng kakainin namin ngayong umaga. Kinakabahan pa ako sa sasabihin ko sa kaniya mamaya.

"Oh. Marunong ka na magluto?" Napalingon ako kay Alex na dumating.

"Ito lang naman palaging ambag ko sa lutuin sa bahay diba HAHAHA ang morning dishes." Sabi ko at nilagay ko na agad sa lamesa yung mga niluto ko.

"Morning." Nakita ko agad na bumaba na sila mama kasama nila si Jessie.

"Ang aga mo naman bessy. Bat nakabihis ka na agad? Mamaya pa tayo ah." Umupo agad siya sa pwesto niya.

"May pupuntahan ako. Susunod nalang ako doon sa shop." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman agad na lumabas si Sam sa kwarto niya kaya tumalikod ulit ako.

"Tawagin mo na si Sam, Ericka kakain na." Sabi ni Daddy habang nagtitimpla ng kape nila.

"Mauuna na po ako." Sabi agad ni Sam kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin na din pala siya saakin.

"Hindi ka ba muna kakain?" Tanong ko sa kaniya na kinabigla naman niya. Tiningnan din naman agad ako nila mama.

"Hindi na. May usapan kami ni Gizzelle na magkikita kami." Sabi niya at inayos niya agad yung bag na dala niya. Hindi ko nalang pala dapat itutuloy yung balak kong sabihin sa kaniya.

Bahala na sila.

"Saan ka nga pala pupunta bessy?" Tanong naman ni Jessie saakin.

"Sa beambox. Andito daw sa Quezon si Rion eh." Sabi ko sa kaniya at nagsimula nang kumain.

"Rion? Yung manliligaw mo dati?" Tanong naman ni Alex. Tiningnan naman agad ako ni daddy.

"Uhm. Makikipag-kita lang." Tipid na sabi ko sa kaniya. Kailangan ko pa tuloy itext si Rion hayst. Kahapon napag usapan lang namin na andito siya tapos nung makiki-pagkita siya tumanggi naman ako.

"Sumabay ka na saakin. Doon din naman kami ni Gizzelle eh." Napalingon ako kay Sam na uminom ng tubig kapag sinabi ko naman na hindi ako sasama sa kaniya. Parang napaka bitter ko naman tingnan diba?

"Okay." Kinuha ko agad yung cellphone ko at tinext ko siya.

'Let's meet at beambox,Ri.' Text ko agad sa kaniya.

"HAHAHA ang gwapo pa naman non. Tanungin mo nga ulit kung may jowa na ba siya." Sabi naman ni Alex. Tumango nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ano oras ba kayo magkikita?" Tanong ni Mama.

"Magtetext na lang daw po siya kung papunta na siya eh." Pagsisinungaling ko.

"Sam. Bantayan mo si Ericka. Hindi namin kilala yung lalaking sinasabi niya." Nagulat naman ako sa sinabi ni Daddy. Bakit kailangan niya pa akong pabantayan sa unggoy?

"Yes,dad." Nakatingin saakin si Sam kaya hindi na ako nagbabalak na lingunin siya.

"Daddy. Hindi mo naman na ako kailangan pabantayan. I'm not a kid anymore."

'Okay. Im on my way. Malapit lang ako.'

"Yes, I know sweetie. Mas mabuti na yung sigurado ako. Hindi ko pa nakikita iyon. Baka hindi iyon mapagkakatiwalaan--"

"Daddy. He's my friend. Mapagkaka-tiwalaan iyon." Putol ko sa kaniya. Ayoko na sanang makipag talo dahil lang doon.

"He's your suitor A.K.A friend." Sabi agad ni Alex. Tss. Noon pa iyon. Hindi na ngayon.

MY PRESIDENT: MY FIRST LADYWhere stories live. Discover now